^

PSN Opinyon

Hindi pa tapos ang laban

- Al G. Pedroche -

MUKHANG hindi pa tapos ang labanan nina Cebu   Rep. Pablo Garcia at House Speaker Jose de Vene­cia.

Balita ko, nagsimula nang italaga ni de Venecia bilang chairmen ng mga “juicy committees” ang mga sumuporta sa kanyang  muling hirit sa speakership ng Kamara de Representante.

Kinukuwestyon  ng kampo ni Garcia ang muling pagkakatalaga ni JDV bilang speaker dahil hindi umano dumaan sa tamang proseso.  Magugunita na sa pag­bubukas ng 14th Congress, si Garcia mismo ang tumang­ging magpa-nominate sa botohan sa speakership dahil tinawag niya ito’ng “sham proceeding.”

Kaya naman ang kampo ni Garcia ay bumuo ng tinatawag na “reform bloc” sa Mababang Kapulungan  para magtanod laban sa ano mang katiwalian. Maganda sana iyan kung ang layunin ay hindi nakatuon sa “vendetta” o paghihiganti. It’s always good to have a watchdog that means well. At sana naman, si de Venecia bilang pinuno ng Kamara ay huwag pulos kaalyado ang itala-gang mamumuno sa mga importanteng komite at iitsa­puwera yung mga sumuporta kay Ka Pablo.

Sana, sana lang— huwag nang magresulta sa pag­kabalda ng Kongreso ang iringang ito. Baka dahil diyan, mahadlangan ang pagsasabatas ng mga importanteng lehislasyon. Ang nakalulungkot, ang mga kampong nag-aalitan ay parehong kaalyado ng Pangulo. Ang coalition ng Lakas-CMD at ang sariling partido ng Pangulo na KAMPI. Baka ang kalabasan, imbes na Lakas-Kampi ay maging Kalas-kalas-Kampi-kampi.

GARCIA

HOUSE SPEAKER JOSE

KA PABLO

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

PABLO GARCIA

PANGULO

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with