^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Bangis ng smugglers at Customs officials

-

WALANG binanggit si President Arroyo tungkol sa paglaban sa mababangis na smugglers at mga corrupt na opisyal ng Customs sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon. Naka­tuon ang kanyang pansin sa mga nagawa sa bawat rehiyon sa bansa at sa iba pang accomplishment na may kaugnayan sa transportation. Mahaba ang report ni Mrs. Arroyo pero walang nabanggit sa paglupig sa mga corrupt. Sabagay, sa nakaraang anim na SONA, pawang pagbabanta lamang sa mga corrupt ang ginawa niya pero ang problema ay narito pa. Walang pagbabago. Ang corruption ang dahilan kaya natutuyo ang kabang-yaman. Napu­punta lamang sa bulsa ng mga matatakaw na buwaya ang pera.

Ang corruption sa Customs ay hindi na bago sa pandinig ng taumbayan. Basta narinig ang salitang Customs, iisa ang kikintal sa isipan: “corrupt”, “buwaya”, “matakaw” at “kurakot”.

Ang matindi ay ang sinabi ng pinuno ng Pre­sidential Anti-Smuggling Group (PASG) na ang mga opisyal pa ng Customs ang nakikipagkutsaba sa mga smuggler para makapagpalusot ng karga­mento na walang babayaran kahit isang sentimo. Kakahiya ang ganito sapagkat makikita nang talamak talaga ang corruption sa Customs.

Sinabi ng PASG na maraming napalusot na ma­mahaling sasakyan ang mga opisyal ng Customs. Sinabi ni PASG chief Antonio Villar, na-monitor umano ng kanyang mga agents ang 60 smuggled na mamahaling sasakyan. Ang mga sasakyan umano ay nagkakahalaga ng P300 milyon at idinaan sa port ng Manila, Cebu at Subic. Ang mga sasak­yan ay kinabibilangan ng BMW, Ferrari at Mercedes Benzes. Sabi pa ni Villar, nakita ang mga sasakyang smuggled sa mga car dealerships sa Quezon City at Pasig.

Nagawang mailusot ang mga mamahaling sa­sakyan dahil sa pakikipagkutsaba sa mga corrupt na Customs officials. Sabi pa ng PASG, nang balikan nila ang mga sasakyan sa pinagdalhang dealer sa QC at Pasig, wala na ang mga ito.

Matagal nang natatalo ang gobyerno dahil sa mga matatakaw na opisyal ng Customs. At magpa­patuloy pa ang kanilang katakawan dahil malambot ang batas laban sa kanila. Pawang banta lamang ang pagdurog sa mga corrupt sa Customs. Hindi uubra ang ganito sa matatakaw. Dapat sa kanila ay kamay na bakal.

ANTI-SMUGGLING GROUP

ANTONIO VILLAR

CUSTOMS

MERCEDES BENZES

MRS. ARROYO

NATION ADDRESS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with