Stroke at atake sa puso
MINSAN ay nagkakuwentuhan kami ng kaibigan kong si Dr. Joven Cuanang, President ng Stroke Society of the
Ang isang nagkakaroon ng heart attacks o ang tinatawag na “myocardial infarctions” ay makararanas ng pagbigat sa kanyang dibdib na animo’y may nakadagan at ganoon din ang pagkirot. Maaaring magdulot ito ng kamatayan.
Ang stroke o “brain attacks” ay ang pagkamatay ng brain tissue dahil sa mahinang supply ng dugo at oxygen sa utak. Maaaring maparalysis, ma-disabled at mamatay ang isang na-stroke.
Ang stroke prevention ay isa sa mga pinag-usapan namin ni Dr. Cuanang. Malaki na raw ang iniunlad ng siyensiya kung paano maiiwasan ang stroke. Sabi ng aking kaibigan, isa sa mga gamot na nagre-reduced para maiwasan ang stroke ay ang paggamit ng gamot ng Perindopril (generic). Nabawasan daw ang pagkakaroon ng stroke ng mga pasyenteng may brain circulatory problems.
At ayon pa kay Dr. Cuanang, hindi lamang ang stroke ang nabawasan ang insidente kundi pati na rin ang atake sa puso.
Ganoon pa man sinabi pa rin niya na ang pagdisiplina sa sarili o ang pag-iingat sa kalusugan ang mahalaga. Ipinapayo niya na tumigil sa paninigarilyo, magbawas ng timbang, iwasan ang matataba at maalat na pagkain, uminom nang katamtamang alak lamang at mag-exercise.
Tinanong ko kung mayroon nang Perindopril sa bansa. Sagot niya ay “oo”. Kumunsulta muna sa inyong doctor tungkol dito.
- Latest
- Trending