^

PSN Opinyon

Sino ang magiging hepe ng MPD?

- Bening Batuigas -

SINO ba talaga ang uupo bilang hepe ng Manila Police District (MPD)? Ma-reretain ba si Sr. Supt. Danilo Abarsoza o papalitan ba siya ni Chief Supt. Roberto Rosales ng Southern Police District (SPD) o kaklase nitong si Sr. Supt. Nilo dela Cruz? Ang mga katanu­ ngan at pangalang ito mga suki ang umiikot sa ngayon sa MPD at walang makatutugon sa tanong na ito kundi si Manila Mayor Alfredo Lim. At dapat na magdesisyon nang maaga si Lim dahil habang tumatagal ang isyu ukol sa bagong hepe ng MPD, ang naliligwak ay ang delivery of public service ng sangay ng pulisya nga. Bakit? Karamihan kasi sa rank-and-file ng MPD ay ayaw na halos magtrabaho dahil ang nasa isip nila ay hindi stable ang kinalalagyan nila. Halimbawa, kapag ang isang opisyal ay identified kay Abarzosa, aba mag-iisip muna siya nang malalim bago kumilos at baka mapalitan ang amo nila. Ang iba namang opisyal, imbes na magtrabaho, ang inuuna ay ang pagha­nap ng padrino para kina Rosales at dela Cruz nga. Kaya dapat ihayag na ni Lim kung sino talaga ang gusto niya sa tatlo sa lalong madaling-panahon para ma­numbalik ang sigla ng pulisya sa MPD at ma­asikaso kaagad ang limpak-limpak na trabaho na dapat gawin nila, he-he-he! Halos hindi makahinga ang mga taga-MPD sa kaiisip kung sino ba talaga ang magiging amo nila sa termino ni Mayor Lim.

Nitong nagdaang mga araw kasi eh masalimuot ang mga binitiwang salita nina Lim at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon ukol sa liderato ng MPD. Kung si Lim ang tatanungin, gusto na niya ang performance ni Abarzosa kahit sabihin nating minana lang niya ito sa kalaban niyang si dating Manila Mayor at ngayon ay DENR Sec. Lito Atienza. Pero ayon naman kay Calderon, itong si Abarzosa ay nakatakdang maging hepe ng PNPA sa Silang, Cavite. Aniya, bibig­ yan pa niya ng isang buwan si Abarzosa sa puwesto para patunayan ang kaka­yahan niya. Pero kung pag-aaralan mong  maigi itong tinuran ni Calderon, ang ibig sabihin niyan ay talagang papalitan na si Abarzosa bilang hepe ng MPD. Ang tanong lang ay kung sino ang papalit sa kay Abarzosa, di ba mga suki? Si Dela Cruz naman ay nag-aabang lang ng galaw ni Rosales. Kapag si Rosales ang uupo sa MPD, si de la Cruz ang papalit sa kanya sa SPD. At kapag tinanggihan ni Lim si Rosales tulad ng unang napabalita, may posibilidad na si dela Cruz ang uupo sa MPD.

Ang huling balita ko mga suki, nagpadala na si Dep. Dir. Gen. Avelino Razon Jr., ang deputy ni Cal­­de­­­ron at chairman ng SOPPB sa Camp Crame, ng li-mang pangalan na maaaring pagpilian ni Lim na pa­palit kay Abarzosa. Kung sino man ang pipiliin ni Lim ay siya lang ang nakakaalam. At tiyak bago niya bas­ basan ang magiging bagong hepe ng MPD, magko-courtesy call muna ito kay Lim, tulad ng inaasahan sa amended law ng PNP na R.A. 8551. Kung sino man kina Abarzosa, Rosales at dela Cruz ang sisipot sa opisina ni Lim sa susunod na linggo, tiyak siya na ’yon, he-he-he! Good luck sa inyong tatlo mga Sirs. Abangan!

ABARZOSA

AVELINO RAZON JR.

CRUZ

LIM

MPD

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with