^

PSN Opinyon

PUNO na ang Salop

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

 “FOR there is nothing you can do when Congress exer­cises its power to be powerless.” Tumindig si Chief Jus­tice Reynato Puno at idineklara sa bansa na kung ang mga halal na opisyal ng pamahalaan ay hindi kikilos laban sa patuloy na abuso sa Human Rights, ang Korte Suprema ay handang pangunahan ang laban, gamit ang kapangyarihang ginawad ng Konstitusyon.

Sa Summit on Extra-Judicial Killings and Forced Disappearances, pinahiwatig ni CJ Puno ang kanyang pagka­dismaya sa kahinaan ng ating mga kalayaan, kakulangan ng mga batas at pagka-inutil ng ating sistema ng hustisya. 863 na ang napatay ayon sa rekord ng KARAPATAN.

Walang nagagawa ang mga halal na opisyal dahil mas mahalaga sa kanila ang popular at “high-profile” na isyu kaysa “low-profile” na kaso ng human rights na kadalasa’y puro mahihirap at di-kilalang tao ang biktima. Tama ang obserbasyon na maski ang taumbayan ay hindi na tinatablan kahit dumadami ang biktima at sa kabila ng atensyon dito ng media.

Aabangan ng bansa ang mga rekomendasyong maka­kalap sa Summit kung paano magagampanan ng Korte ang papel na ito. Sa panahon ngayon kung kailan terrorized ang tao sa Anti-Terror Law, malaki ang ginhawa ng ganitong inisyatibo. -31% ang dissatisfaction rate ni Gng. Arroyo. Walang tiwala ang tao kay Gng. Arroyo na mapa­patigil nito ang karahasan. Hindi ba nga sa ilalim ng kan­yang pamunuan lumala ng husto ang problema?

Ang gobyerno ay may tatlong sangay, Executive, Legislative at Judicial, upang hindi maipon ang kapang­ yarihan sa kamay ng iisa. Posible din namang abusuhin ng mga Hukom ang sasaklawin nilang trabaho ng Pangulo at ng Mambabatas. Subalit hindi natin maririnig ang ganyang pagdu­du-da kay CJ  Puno. Ma­taas ang kredibilidad  nito kahit walang pi­nang­haha­wa­kang mando. Siya na ang pinaka­res­peto — sa pa­ninindigan at talino. Subok ang re­cord at ma­pagkaka­ti­wa­laan. Uma­asa ang REPORT CARD na ma­ganda ang ibubu­nga ng itinanim ng Pu­ nong ito.

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

GRADE:  96

vuukle comment

ANTI-TERROR LAW

CHIEF JUS

EXTRA-JUDICIAL KILLINGS AND FORCED DISAPPEARANCES

GNG

HUMAN RIGHTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with