Mag-syotang kabayo, financer ng jueteng sa Quezon

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kasangga natin dyan sa Hong Kong nag-email sila sa Chief Kuwago para sabihin malakas ang operasyon ng jueteng doon.

Naku ha ! sa Hong Kong?

Sa may simbahan daw sa may Central Hong Kong ang kubra­han at mga bebot pa daw ang mga kubrador.

Mga damatan nga lang. Hehehe!

Ingat kayo mga kubradores kapag nahuli kayo walang iyakan dahil tiyak kulong kayo mga kamote

Papunta dyan ang Chief Kuwago magkita-kita tayo mga kasangga sa ating hideout para pag-usapan natin ng husto ang ibinato ninyong information.

Nakakatuwa. Hehehe!

Ang isyu, akala yata ng mag-sweetheart na sina Tata Eddie kabayo at tandang Charing binuhusan ay dehins masisilip ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kanilang jueteng operation dyan sa Quezon province.

Ano kayo sinusuerte.... Hehehe!

Ang magsyota kasi ang financer ng jueteng sa Quezon sa sobrang lakas nila sa mga bugok na tulisan este mali kapulisan at mga kurap na LGU’s todits ay nagawa pa nilang raketin ang Small Town Lottery o STL ng Philippine Charity Sweeptakes Office.

 Sabi nga, sinindikato ng mag-syota ! Take note, PCSO Chairman Valencia and Ugarte, Your Honors. Imbestigahan ninyo ito!

 Binabandera nina Eddie kabayo at Charing  binuhusan na STL ang palaro nila sa Quezon. Ito ang kanilang palabas pero ang totoong istorya ay sa bulsa nila ipinapasok ang kubransa at sa jueteng nila dinadala ang mga taya ng mga sugarol sa province­.

 Ang kubransa sa STL ay P6 million pero ang diga ng mag-aswang este mali mag-syota pala sa PCSO ay P1 million lamang kaya kita sila ng P5 million kada araw.

Dapat busisiin ng PCSO ang nasabing kagaguhan dahil gisado sa sariling mantika ang gobierno ni Prez Gloria Macapagal Arroyo dito.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na raw nangyayari ang kawalanghiyaan ng mag-syotang sina Eddie yokaba at Charing binuhusan walang kumakalkal sa operation ng mag-lover dahil sa tindi ng pinapadalang grasia sa mga bugok na lespu sa Region 4 siempre kasama ang mga matatakaw sa Camp Crame. Totoo kaya ito General Radovan, Sir ? Pakibusisi nga!

 Kambiyo isyu, grabe as in grabe ang dayaan sugalan sa San Pedro, Biñan, Pacita, Cabuyao, Calamba at Sta. Rosa sa Laguna katulad ng operasyon ng mag-syotang Eddie kabayo at Charing binuhusan sa STL din nakatutok ang gambling lord na si Mon presko, P500,000 lang ang diga nito sa PCSO sa kubransang nakukuha mula sa nasabing palaro ng Sweepstakers office pero ang kinikita ng sindikato kada araw ay hindi bababa sa P3 million.

 Impossible dream na alaws alam todits ang mga bugok na rakpa hindi lang sila kumikibo dahil malaki ang ganansiyang naku­kuha o ibinibigay ni Mon presko sa kanila.

Regarding sa operasyon ng video karera ang grupo ni engineer Edu ang namamayagpag sa Biñan dahil kontrolado nito ang buong bayan.

 Sabi nga, 500 makina ng video karera meron ang kamote!

 Sa San Pedro at Sta. Rosa, si Molly ang operator ng may 100 pirasong VK kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang mga rakpa todits dahil sa laki ng intelihensiya na tinatanggap nila every week.

Ika nga, kung walang intelihensiya, tiyak huli sila. Hehehe!

Teka muntik ng makalusot sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang alyas Johnny, tulis daw ito este mali foolish cop pala dahil may 80 pirasong makina ng VK din siyang nakakalat sa San Pedro. Totoo kaya ito, Col. Rojas, Sir

Sa Batangas, si Brigette kasosyo si Sacho, aka HAPON, ang sinasabing bangka sa jueteng  pero ang pangalan si Don Pepot Alcantara, ang umuusbong dahil ipinamamalita niya na batang sarado siya ni Governor Vilma Santos.

Dakilang balimbing si Don Pepot Alcantara dahil mabilis itong bumaligtad. Siya ang dating aso ni Armand, ang jueteng king ng Batangas.

Governor Vilma, paki-kurot nga si Don Pepot Alcantara gina­gasgas ng gagong ito ang pangalan mo para sa kanyang pang­sariling interes. Paging Col. Banas, Sir. Pakikalikot ito!

Sa kabilang ibayo, isang Erning pares, kapitalista ang kumo­kontrol sa mga sugalan sa Pillilia, Teresa, Morong echetera.  Tama ba, Col. Panen, Sir?

“Hindi ba alam ni DILG Puno ang talamak na sugalan sa Pinas?” tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

“Dapat ipakulong ni Puno sina Ryan Yamson, Bart Atayde at Atty. Descular dahil ang mga ito ang protektor ng illegal gambling” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Kinukunsinti ba ni Puno ang mga kamote?” tanong ng kuwagong pakarat sa Caloocan.

“Grabe ang usapan dito kaya ayaw silang tumigil” sabi ng kuwagong Kotong cop.

“Ano ang magandang gawin?” tanong ng kuwagong sepulturero.

“Sa Baguio City si Vic Yap ang jueteng King samantala si Buboy Go namamayagpag “

“Teka kamote next issue ituloy natin ito!”

Abangan.

Show comments