NAG-text ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sabihin si Aldie ng Crame ang siyang nagpapatrabaho para gibain ang Chief Kuwago dahil sa mga ginawang pagbubulgar nito noong mga nakaraan days regarding sa jueteng.
Si Aldie for your information dear readers ang right hand man ng isa sa mga Diyos sa Camp Crame kaya alaws makasaling todits dahil sa takot ng mga kasamahan tulisan este mali kapulisan pala na itapon sila sa kangkungan.
Ang akala ni Aldie, hindi ko makakapa kung sino sa galamay niya ang nagpapatrabaho para patahimikin ang Chief Kuwago.
Paano ngayon kung wala na ang Diyos mo sa Camp Crame kanino ka magdarasal?
Sino ang bagong panginoon ang kukuha sa iyo kung iba ang ugali mo?
Para kang tae kapag nagkataon.
Ibinulgar ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang jueteng kaya naggagalaiti sa galit si Aldie porke nasama raw ang pangalan niya sa kolum ng Chief Kuwago.
Totoo namang patong si Aldie sa jueteng, PNP bossing Oscar Calderon, Sir!
Ngayon mga kamote, niluluto ninyo ang dayaan bolahan dyan sa Benguet province kaya naman talamak ang mga nag-iiyakan sugarol diyan ngayon dahil pirmi silang talo sa mga pinustahan nilang numero.
Sabi nga, dayaan bolahan talaga !
Ito Aldie, kasama na naman ang pangalan mo sa Benguet regarding sa jeuteng porke pasok ka sa operasyon nina Raffy, Mando at Ador, mga bangka sa illegal gambling.
Pati ang pangalan ni Regional Director Raul Gonzales ay nagagasgas sa operasyon ng sugalan dyan.
Totoo kaya ito, Sir?
Pakibusisi nga General kawawa ka naman pati pangalan mo ginagamit ng mga tulisan.
Sabi nga, hoodlum in uniform. He-he-he!
May grupo ng rapadudels ang aspiring kapag na tired este mali nag-retired pala si Raul iyong daw kaya naman naka-ready sila sa Benguet operation.
Totoo kaya ulit ito?
Attention Baguio Mayor Bautista at Governor Fongwan, paki- check nga ito kung totoong titindi ang jueteng operation sa Benguet.
Tatlong beses isang araw pa pala ang bolahan dyan alas-11:30 ng umaga, 5:30 ng hapon at 10:30 ng gabi kaya pala ang saya ng mga tekamots todits.
Sa quarry ginagawa ang dayaan bolahan dyan sa may Mabini, Mt. Vies, Anger 1 at Military cut-off.
Ang tagapamahala ay sina Donny, Jon, William at Tony.
May montehan pa dyan sa may Bato St., kung hindi ninyo alam hanapin ninyo mga kamote.
Maganda na siguro para sa mga tauhan ng Philippine National Police at mga bagong nanalong politiko dyan sa Benguet para hindi na kayo mangapa kung nasaan sila nagtatago ayan may in put na ang mga kuwago ng ORA MISMO sa inyo.
Sundan na lamang sila para makahingi este mali mahuli pala.
Matindi ang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dyan sa Benguet kapado nila kung nasaan ang mga mandaraya este mali mga tagapamahala pala at kung saan dinadaya ang bolahan sa jueteng.
“Sangkaterbang Aldie ang nasa Crame mahirap kapain ito kung nasaan siya,” anang kuwagong manghuhula.
“Madali lang kung gugustuhin,” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
“Sandamakmak ang intel group dyan sa Crame kaya kung gusto nilang kalkalin kung no-si ito tiyak madali para sa kanila,” sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong.
“Biruin mo ang Chief Kuwago gustong trabahuhin ng grupo ni Aldie ang akala nila tahimik ang kanilang magiging plano.”
“For your information Aldie bantayan mo mabuti ang Chief Kuwago baka kung ano ang mangyari sa kanya tiyak alam ng madlang people kung sino ang hahabulin,” anang kuwagong intel officer.
“Kaya ingatan mong makamote ang Chief Kuwago lagot ka!”