^

PSN Opinyon

Teen entrepreneur reaps profits from ‘Rhipstop’

- Rhea Anne Tiu -

NAKAKAGALIT ‘yung limang holdaper na pumatay kay Supt. Jovem Bocalbos, deputy chief ng Makati City police. Sinayang nila ang napaka-disenteng officer. Pinapasada ni off-duty Bocalbos nu’ng Miyerkoles ang sariling family van bilang mega-taxi sideline nang sumalakay ang limang holdaper sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Pinaurong si Bocalbos sa gitna ng front seat at inagaw ng isa sa lima ang manibela. Habang nililimas ng mga kriminal ang alahas, pera at cell phones ng pasaheros, bumubuwelo naman si Bocalbos para mabunot ang .45-caliber pistol sa bewang. Nahalata siya ng kriminal sa kanan na suminghal, “Kilala ko ang estilo mo, pulis din ako.” Sabay binaril si Bocalbos sa batok.

Nakakagalit din ang sinabi ukol sa insidente ni Quezon City police spokesman Supt. Asper Cabula. “Maluwang ang Philippine National Police sa lehitimong sideline ng mga tauhan,” aniya, “Pero sa personal kong paniwala hindi dapat niya (Bolcalbos) in-expose ang sarili sa labis na panganib dahil sa katungkulan niya.”

Ito ang makukuhang kahulugan kay Cabula: “Peligroso pumasada ng mega-taxi sa Commonwealth Avenue. Ang pulis na mataas ang ranggo ay hindi dapat sumuot sa panganib na ‘yon. Okey lang sumuot sa gusot at mapatay kung ordinaryong tao lang siya.” Sa madaling salita, hindi kayang protektahan ng pulis ang daan-daang pasahero na bumibiyahe araw-araw sa dose-dosenang mega-taxi sa Commonwealth Avenue.

Delikadong pananaw ang taglay ni Cabula. Bina­balewala niya ang kaligtasan ng ordinaryong mamamayan — mga taong nagbabayad ng buwis na pansuweldo sa mga pulis na katulad ni Cabula. Dapat ipa-retrain at re-indoctrinate siya sa serbisyo publiko.

Samantala, kapuri-puri ang sinabi ng ibang opisyales tungkol kay Bocalbos. “Nakakahinayang, hinangad lang niyang kumita nang malinis,” ani PNP spokesman Chief Supt. Samuel Pagdilao. “Modelong opisyal siyang nag­ dala ng dignidad sa uniporme,” dagdag ng dating hepeng si Chief Supt. Roberto Rosales ng Southern Police District-Metro Manila.

vuukle comment

ASPER CABULA

BOCALBOS

CABULA

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVENUE

JOVEM BOCALBOS

MAKATI CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with