^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming ayaw tumanggap ng pagkatalo

-

Ngayong araw na ito ay ipoproklama na raw ng Commission on Elections ang siyam na senador. Maaaring maibilang na sa Guinness Book of World record ang Pilipinas dahil sa kaba­galang maglabas ng resulta ng election. Pero walang magagawa sapagkat noon pa ay ganito na talaga ang kalakaran ng election sa Pilipinas. Mabuti nga at dalawang linggo lang ang nakara­raan ay mag­poproklama na ang Comelec nang mga nanalong senador. Dati inaabot ng tatlong linggo o isang buwan bago magproklama. At ang mga Pinoy ay sanay na sa ganitong kalakaran. Hindi na naka­pag­tataka ang ganito sa Philippine election.

Ang kapalaran ng pang-10 hanggang pang-12 senador ay hindi pa malaman kung kailan magwa­wa­kas. Patuloy pa rin ang pagbilang ng mga boto. At habang ginagawa ang pagbilang ay hindi naman matapus-tapos ang dasal ng mga nakabingit na kandidato. Hindi nila alam kung sino ang mananalo sapagkat magkakadikit ang kanilang nakuhang boto. Ang matindi niyan ay ang umaatikabong protesta kapag ipoproklama na kung sino ang     ika-10, 11 at 12. Tiyak na maghahabol ang nasa ika-13 at sasabihing siya ay dinaya. Maraming makikitang dahilan ang maghahabol at kaliwa’t kanang protesta ang kanyang idudulog sa huku­man. Hindi niya basta matatanggap ang pagkatalo.

Hindi lamang sa mga nahalal na senador may mga nagrereklamo, mas marami rin ang sumisigaw na sila ay dinaya sa mga kandidato sa local posi­tions. Iisa ang kanilang sigaw, maghahabol sila sa husgado sapagkat sila ay dinaya ng kalaban. Hindi sila makapapayag na basta maupo ang taong mandaraya.

May karapatan naman ang mga kandidato na magsampa ng electoral protest. Kung inaakala nilang dinaya sila at may sapat namang ebi­den­siya, maaari nilang gawin iyon. Dapat lamang       ay gawin sa isang legal na paraan at hindi sa madugo.

Maraming reklamo kapag natalo. Dinaya siya. Kahit na malaki ang lamang ng kalaban ay sumi­sigaw pa rin ng pandaraya. Gaano katagal mare­resolba ng Comelec ang mga kasong ganito. Ewan. Mahirap sagutin.

COMELEC

GUINNESS BOOK OF WORLD

MARAMING

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with