^

PSN Opinyon

Umaayaw na raw si Zaplan?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NASA panic mode sa ngayon si Carlito Zaplan na kumakandidatong mayor sa Sta. Barbara, Pangasinan. Ang dahilan sa pag-panic ni Zaplan ay bunga sa sangkaterba na ang lamang sa kanya ng kalaban niya na si ret. Gen. Reynaldo Velasco. Sa huling survey kasi, 70-30 na ang lumitaw na kalamangan ni Velasco kay Zaplan.

May balita ako mga suki na nagpapamudmod ng P500 hanggang P1,000 si Zaplan para lang makahabol sa milya-milyang kalamangan ni Velasco. Di ba vote-buying yan? Nasaan ang Comelec sa Pangasinan? Talagang makalumang pulitiko si Zaplan, di ba mga suki?

Subalit gising na ang puso’t damdamin ng taga-Sta. Barbara. Hindi na sila padadala sa mga pangako at salapi ni Zaplan. Ayaw na nila ng mga proyekto na maliwanag namang hindi ang mamamayan ang nakikinabang kundi ang iilan tulad ni Zaplan at ang mga nasa paligid niya. Ayaw din nila na magiging pugad ng illegal na sugal ang kanilang bayan. Ayaw pa nila ng lider na nananampal ng mga kababaihan. Ayaw din siyempre nila na ang mga opisyales nila ay magmi-meeting sa sabungan.

Lalong tumibay ang kandidatura ni Gen. Velasco bunga sa pagsuporta sa kanya ni 3rd district Rep. Generoso Tulagan. Siyempre, isama na ang suporta ng iba’t ibang civic, youth at religious groups kasama na ang karamihan sa Daniel Maramba National High School at sina dating mayors Feliciano "Ato" Bautista at Pontawi, Vice Mayor Calaguio at ang star player ng Sta. Lucia Realty sa PBA na si Marlou Aquino. Mabibigat din ang advisers ni Velasco sa katauhan nina dating Executive Sec. Renato de Villa, PCCI Pres. Donald Dee, former Pangasinan Gov. Oscar Orbos, Engr. Rosendo So ng Abono party-list, former Gov. Tito Primicias at kapatid na si Marieta Goco at ng Maramba clan sa pangunguna ni Hilarion Henares. Walang panama si Zaplan dito, di ba mga suki? Baka umayaw na si Zaplan nito!

Para masiguro ang panalo ni Velasco, nagpa-seminar naman si election lawyer Romulo Macalintal na umaabot 1,000 poll watchers ng una. Si Macalintal na election lawyer din ni GMA ay pinangalagahan ang role ng mga poll watchers para hindi madaya pa si Gen. Velasco. Nangako si Macalintal na sisilipin din niya ang vote-buying spree ni Zaplan. Nakupooo! Kayo na ang maghusga sa Lunes.

AYAW

CARLITO ZAPLAN

DANIEL MARAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL

DONALD DEE

VELASCO

ZAPLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with