^

PSN Opinyon

Sta. Barbara ex-mayor Carlito Zaplan, ibabasura dahil sa pananampal

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGBABANTA ang mga kababaihan sa Sta. Barbara, Pangasinan na ibabasura nila ang kandidatura ni dating Mayor Carlito Zaplan bunga sa mga kasong pananampal niya sa kanilang kabaro noong nasa puwesto pa siya. Sa pananampal ni Zaplan kay Liza de la Cruz, 42, na isang miyembro ng Iglesia ni Cristo ay nangangahulugan lamang na wala siyang respeto sa mga kababaihan. Kaya balak ng kababaihan sa Sta. Barbara na lumapit sa GABRIELA para arukin kung puwedeng kasuhan si Zaplan. Si De la Cruz ay lumantad na rin para harangin ang pagbabalik ni Zaplan sa kanyang dating puwesto para hindi na madungisan pa ang magandang imahe ng kanilang bayan, he-he-he! Mukhang bawas na ang tsansa ni Zaplan na manalo sa May elections.

Kung sabagay, open secret naman sa Sta. Barbara na inabandona ni Zaplan ang kanyang naunang pamilya. Di ba kapag ikaw ang mayor ng isang lugar, ang dapat itawag sa iyo ay ama ng bayan? Paano tatawaging ama ng Sta. Barbara si Zaplan kung mismong pamilya niya ay semplang na siya? Hindi ba ang pag-abandona niya sa asawa niya ay pambabastos din sa kababaihan? Kung hindi maayos ni Zaplan ang pamilya niya eh paano niya pangangalagaan ang kapakanan ng bayan ng Sta. Barbara?

Ayon sa kausap kong taga-Sta. Barbara, mahilig sa sabong si Zaplan kaya’t sa ipinatatayo niyang sabungan, nagkaroon ng ilang beses na pagpupulong ng mga opisyales ng bayan. Hindi lang ’yan! Talamak na rin ang jueteng sa Sta.Barbara at ayon sa kausap ko, may basbas ito ng pangalawang asawa ni Zaplan na incumbent mayor sa ngayon ng bayan nga. Kung gagawing basehan ang sabungan at jueteng mga suki, hindi nalalayo na magiging pugad ng illegal na sugal ang Sta.Barbara kapag nanalo si Zaplan. Kaya tama lang pala ang panawagan ng mga kababaihan doon na ibasura ang kandidatura ni Zaplan. ’No sa tingin n’yo mga suki ko sa Sta. Barbara?

At sa tingin ng mga kausap ko, hindi lang ang pagpatayo ng clinic… este ospital pala sa bayan ang may malalim na misteryo. Kasi nga ito palang si Zaplan ay bumili ng lupain noong nakaupo pa siya na nagkakahalaga ng P4 milyon para gawing landfill. Maaaring maganda ang layunin ni Zaplan dito pero ang siste, isinagawa niya ang pagbili ng lupain nang walang pahintulot ng konseho. ’Ika nga, binaraso niya ang pagbili ng lupa. ’Yan ba ang magandang ehemplo ng ama ng bayan? Kaya dapat imulat na ng taga-Sta. Barbara ang kanilang puso’t isipan. Hindi si Zaplan ang kasagutan sa pag-unlad ng kanilang bayan! At sa May 14 na ang pagkakataon para makopo nila ang pagbabago.

BARBARA

BAYAN

KAYA

NIYA

STA

ZAPLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with