Mag-ingat sa mga bogus na facial spa
May 2, 2007 | 12:00am
SA panahon ngayon isa-isang nagsusulputan ang mga spa at beauty salon outlets sa mga malls, commercial spaces dahil sa likas nating mga Pilipino na pagiging balidoso o ugaling maganda at presentable.
Ang mga spa at beauty centers na ito ang takbuhan ng ating mga kababayan kabilang na sa kanilang serbisyo ay ang facial o body spa, bleaching at whitening treatment, surgery at kung anu-ano pa.
Walang pakialam ang iba kung gumastos sila nang malaking pera basta mapaganda lamang ang kanilang katawan.
Subalit nakasisiguro ba kayo na ang mga spa at beauty salon ay ligtas at may tamang serbisyo o baka naman isa sa mga ito ang spa center na inyong tinakbuhan ay hindi lisensyado at walang sapat na kasanayan sa larangan ng pagpapaganda.
Kalat na sa mga paligid ang mga establisemiyentong tulad nito kaya naman naging interesado ang bitag na imbestigahan ang mga ito.
Marami na rin ang lumapit sa BITAG hinggil sa pumalpak na serbisyo ng mga beauty salon outlets at marami na rin ang nagsisi dahil sa nagawang perwisyo sa kanilang katawan.
Ayon kay Dr. Sylvia Jacinto miyembro ng Council of Elders ng Philippine Dermatological Society, likas na ang pagiging maganda ng mga Pilipino, na bi-brainwash lamang sila sa ginagawa ng mga kompanya sa likod ng beauty salon outlets.
Nagagawa raw pagkakitaan ngayon ng mga kompanyang ito dahil sa pinalalabas nilang mga produktong pagpapaputi at iba pang pampaganda na hindi naman epektibo dahil ilan sa mga ito ay bogus lamang.
Kaya naman nagbuo ang PDS ng isang batas na magpoprotekta sa mga naging biktima ng kapalpakan ng mga beauty salon centers.
Alam ng bitag na ilan sa mga beauty salon centers ay may tinatagong baho at kalokohan subalit sa tulong ng batas na ipinasa ng PDS sisiguraduhin nito na may kalalagyan ang lalabag dito.
At sa mga taong nakakahiligan ang mga serbisyong tulad ng pagpapaganda, isa itong babala sa inyo, Mas maganda nang magpaka- totoo kesa sapitin ang sakit ng ulo dahil sa mga palpak na serbisyong bogus na facial centers. Mag-ingat, mag-ingat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended