^

PSN Opinyon

Autism

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG autism ay mental disorder na pinaniniwalaang dahil sa brain damage at hindi dahil sa emotional trauma. Sa bawat 2,500 tao, isa ang may autism. Ang sintomas ng autism ay ang kawalang kakayahan ng tao na makipag-communicate at makabuo ng relasyon sa kanyang kapwa. Hindi makapagsalita at may kakulangan ng language development.

Maraming magulang ang nakapapansin na may mga pagkain at inumin na nagpapalala sa kalagayan ng kanilang anak na autistic. Isa sa mga halimbawa ay ang caffeine na matatagpuan sa coffee at tea at ganoon din sa softdrinks. Kapag nakainom ng coffee, tea at softdrinks ang isang autistic, hindi siya mapakali at nagiging iritable. Nararapat na tandaan ng magulang ang mga pagkain at inumin na nagiging dahilan ng problema at alisin ito sa kanilang diet. Ganoon man, tandaan din na ang pagbabawal sa mga autistic na kumain at uminom ng kanilang gusto ay maaaring makapagdulot din ng problema. Tandaan na dapat magkaroon ng well-balanced diet ang may autistic.

Sa mga ginawang eksperimento at pag-aaral sa vitamin theraphy, sinabi na ang mataas na dosis ng vitamin B6 ay nakatutulong sa behaviour ng autistic. Tandaan din naman na ang vitamin therapy ay hindi dapat isagawa hangga’t walang medical supervision.

AUTISTIC

GANOON

ISA

KAPAG

MARAMING

NARARAPAT

TANDAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with