Problema sa imbestigasyon ng pulis
April 28, 2007 | 12:00am
ISA na namang kandidato ng oposisyon, si Dr. Edgardo Adajar, vice mayoralty candidate ng Puwersa ng Masang Pilipino sa San Pablo City, ang muntik naging biktima ng political assassination noong nakaraang linggo matapos tambangan habang pauwi ng kanyang bahay galing sa isang political rally.
Salamat sa kanyang pagiging alerto at kahandaang ipagtanggol ang sarili, nabigo ang tangka.
Bukod sa aking panawagan sa mga awtoridad na agarang resolbahin ang kasong ito at iba pang mga kaugnay na pangyayari, tinatawagan ko rin ng pansin ang mga opisyal ng pulisya sa katauhan ni Region 4A police director, Chief Supt. Nicasio Radovan at Laguna police chief Senior Supt. Felipe Rojas, na sana naman, tiyaking propesyunal ang kanilang mga tauhan pagdating sa imbestigasyon ng mga krimen.
Sa mga impormasyong nakarating sa tanggapan ng PMP mula sa aming coordinator sa naturang lugar at sa mga naglabasang balita, nakababahala ang ipinakitang "incompetence" San Pablo City police sa pag-iimbestiga ng kaso.
Ayon na rin kay Dr. Adajar, matapos ang bigong ambush ni hindi man lang siya kinunan ng formal statement ng mga pulis pati na ang mga witness at kasama niyang driver at ang mga ebidensiya sa lugar ng krimen ay ni hindi man lang na-secure ng mga pulis.
Wala man lang inilagay na yellow police line sa lugar ng krimen at natapos ang maghapon ay wala ni isang dumating na SOCO team para masuri ang mga ebidensiya sa lugar ng insidente.
Naisip ko tuloy, kung ang ganitong klase ng imbestigasyon ay nangyayari sa isang progresibong siyudad tulad ng San Pablo, ano pa kaya sa mga malalayong lugar sa bansa? Para saan ang badyet na regular na hinihingi ng PNP sa Kongreso kung ganitong klase ng imbestigasyon ang nangyayari.
Pinunto ko ang bagay na ito upang ipaalala sa mga kinauukulan na mahalaga ang propesyunalismo sa pag-iimbestiga ng mga kaso. Ang matino at propesyunal na imbestigasyon ng mga krimen ay kailangan upang matiyak na malulutas ang anumang kaso at maparusahan ang mga may kasalanan.
In short, a professional, clinical and scientific police investigation is a major component that helps strengthen the fate of our people in our criminal justice system.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest