Tsismis lang ang lahat at baka dahil sa pulitika. Kung mayroon mang nangyayaring kaguluhan sa Pilipinas, sa US man ay meron din at baka mas lalo pang magulo. Maraming lugar ngayon sa US ang lumalala ang crime rate katulad ng New York, Chicago, LA at Virginia.
Hindi ba’t 33 ang napatay sa isang shooting spree sa Virgina Tech sa Virginia. Isang American-Korean ang tila nasiraan ng bait at niratrat ang mga esyudyante at guro.
Maraming nangyayaring patayan at kaguluhan sa iba’t ibang states sa US.
Pero kung mababasa ang mga balita sa diyaryo, maririnig sa radyo at mapapanood sa tv, ang Pilipinas ang para bagang pinakamagulong bansa sa mundo. Alam n’yo bang kahit sa Vatican na tirahan ng Papa ay mayroon ding mga kaguluhan?
Ang aksiyon ng mga pinuno sa bansa ang nararapat para masupil ang mga kaguluhan. At ang darating na eleksyon ay mahalaga, pumili ng mga kandidato na gagawa ng batas para magkaroon ng lubusang katahimikan ang bansa.