Isyung magpapatalo sa administrasyon
April 24, 2007 | 12:00am
INIISIP kaya ng Malacañang ang mga implikasyon? Ipinipilit ng Gabinete ang maanomalyang $300-milyong telecom contract sa ZTE Corp. ng China. Apurahang nagpirmahan nu’ng Biyernes nang bumisita si President Arroyo, dahil dinadaan nila lahat sa bilis. Hindi nila iniisip na maaring mag-alboroto ang sinagasaan nilang Pilipino firm na unang nagpanukala ng kontratang ibinalato sa ZTE. Kung nagkataon, idedemanda sila nito, at ibubulgar ang pamba-brasong ginawa sa kanya. Tatamaan ang esposo ng isang mataas na opisyal, kasama ang isang mataas na Comelec man, na nagkutsabahan para kumikback sa kontrata.
Mabubuko ang kutsabahan ng administrasyon at Comelec  at tiyak maiipit sa gitna ang Team Unity senatorial candidates. Ikakatalo nila ito.
Nagsimula nang pumiyok ang Amsterdam Holdings Inc., unang nag-unsolicited proposal kay Transportation and Communications Sec. Leandro Mendoza ng national broadband network nu’ng Dec. Ipagtatayo ng AHI ang gobyerno  libre  ng sistema para sa lahat ng landline, cellular at Internet nito. Babawiin ng AHI ang $240 milyong puhunan sa private subscribers na magtutustos ng gastos ng gobyerno. Ayon sa Build-Operate-Transfer Law, dapat suriin ng ahensiya (DOTC_ ang bid sa loob ng 60 araw, at iharap ito sa "Swiss challenge" kung saan maaaring tapatan ng kakompetensiya ang presyo. Isinantabi ni Mendoza ang AHI proposal.
Samantala nag-unsolicited bid din ang ZTE nu’ng Feb. Pauutangin ang gobyerno ng $300 milyon para sa telecoms equipment, pero DOTC ang magpapatakbo. Di tulad ng sa AHI na walang gastos ang gobyerno sa pagtayo at pag-operate, magtutustos pa ng gobyerno ng pambayad-utang at pang-operate. At AHI muna dapat ang sinuri, bago ang ZTE.
Palusot ni Mendoza, kulang ang papeles ng AHI kaya hindi masuri ang proposal nito. Kabulaanan! May DOTC technical working group na nag-evaluate na papeles ng AHI at ZTE. Nagkataong minamanok ang ZTE ng maimpluwensiyang asawa ng mataas na opisyal at ng Comelec officer, kaya ito ang kinatigan ni Mendoza at mga bata niya. Pero lagot sila lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am