^

PSN Opinyon

80% ng botante sa Ligao suportado si Rene Quiapon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG binabalewala ni Albay Gov. Fernando ‘‘Barabas" Gonzales ang kakayahan ni dating Presidential Management Staff (PMS) Joey Salceda na pataubin siya sa darating na May elections. Kasi nga mga suki, imbes sa mangampanya sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Albay, aba ang ginagawa ni Gonzales ay sinasamahan ang kanyang asawa na si Ligao Mayor Linda Gonzales sa pag-iikot sa mga barangay sa siyudad nga. Paano kasi, sa resulta ng recent survey sa Ligao, 80 porsiyento sa 51,900 na botante ay kay Rene Quiapon inilaan ang kanilang suporta. Nanganga hulugan lamang na inaayawan na ng taga-Ligao City ang serbisyo ng kanilang mayora, di ba mga suki?

Dahil milya-milya na ang agwat ni Rene Quiapon kay Mrs. Gonzales, kailangan talaga ang tulong ni Barabas. Kaya pa bang lokohin o bolahin ng mag-asa wang Gonzales ang taga-Ligao City? He-he-he! Tama na ang minsan, di ba mga suki?

Kaya lang, napupuna ng taga-Ligao City na ginagamit ng mag-asawang Gonzales ang makinarya ng gobyerno sa kanilang pag-iikot sa siyudad. Palaging naka-convoy kasi ang mag-asawa at ang mga sasakyang gamit ay pula ang plaka, na ibig sabihin ay gobyerno ang may pag-aari nito. Marami ring back-up na pulis ang tropa nila. At higit sa lahat, panay relief goods ang ipinamamahagi ng mga Gonzales na dapat noon pang pagkatapos ng bagyong Reming napasakamay ng mga taga-Ligao City. Dapat pa kayang imbestigahan si Gov. Gonzales at asawa niya sa paggamit nila ng government property sa kampanya? Kung sabagay, taga-Pangasinan si Mayor Gonzales at maaring hindi niya abot ang pasikut-sikot ng Ligao City nga. Baka maligaw siya kapag nag lakad lang siya, di ba mga suki? He-he-he! Si Quiapon, tubong-Ligao talaga ’yun!

At lapitin pa ng taumbayan si Rene Quiapon. Kaya hindi mag-isang ginagalugad ni Rene Quiapon ng partidong Kampi, ang buong Linggo, eh masaya siya sa pagtanggap ng kababayan niya sa kandidatura niya. Maaaring lamang siya sa survey, pero hindi niya ibinababa ang level ng kampanya niya at katunayan nasa highland barangay’s siya ngayon ng Ligao City. Walang dalang back-up si Rene Quiapon. Ang bitbit lang niya ay ang mga flyers niya ukol sa kanyang mga programa sa Ligao, at siyempre kasama riyan ang kopya ng mga isinulat ko sa kanya, he-he-he! Naaamoy na ng taga-Ligao ang katuparan ng mga pangarap nilang asenso sa liderato ni Rene Quiapon.

Sa isang TV interview naman, inamin ni Salceda na ang halos lahat ng proyekto sa Albay ay bunga ng INITIATIVE niya. Si Salceda kasi bago maging PMS chief ay kongresista at ang pondo niya ay ibinuhos niya sa Albay. Siyempre, ang mga proyekto niya ay du madaan kay Barabas nga. Ang siste tuloy, ang lahat ng proyekto ni Salceda ay inako na ni Barabas at hindi alam ’yan ng taga-Albay. Pero bunga sa isiniwalat niya sa TV interview, nabuksan ang natutulog na isipan at damdamin ng taga-Albay, ani Rene Quiapon, na katiket ni Salceda sa May election. Kaya’t may posibilidad na maraming mga supporters ni Barabas ang ka kambiyo sa kampo ni Salcedo sa darating na halalan. Kaya hindi dapat patulug-tulog sa pansitan si Bara- bas dahil may semplang siya kay Salceda na walang humpay ang pangangampanya sa Albay. Abangan!

ALBAY

GONZALES

LIGAO

LIGAO CITY

NIYA

RENE QUIAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with