EDITORYAL - Inutil ang Comelec at pulisya sa gun ban
April 16, 2007 | 12:00am
MADALING umaksiyon o mag-apruba ang Commission on Elections sa mga nag-aaplay para sa party lists at nang makasama sa May 14 elections. Lalo pa ngang mabilis kung ang mag-aaplay ay kadugo ng Comelec chairman. At kung gaano naman kabilis mag-apruba para makasama sa party-lists, masyado namang mabagal umaksiyon kung paano maipatutupad at mapipigilan ang pagkalat ng mga baril na karaniwang ginagamit sa mga pagpatay. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng krimen sa kasalukuyan at inaasahang tataas pa sapagkat inutil ang Comelec at pulisya sa pagpapatupad ng batas. Walang makitang magandang resulta ang gun ban sapagkat lantaran na ang nangyayaring krimen. Kahit sa liwanag ng araw patuloy ang mga pagpatay gamit ang baril.
Pero sabi ng Philippine National Police (PNP), mas magulo raw ang 2004 elections kaysa ngayon. Sabi pa ng PNP na 1,217 loose firearms na ang nasamsam nang magsimula ang election campaign noong January.
Maraming kandidato at supporters na ang napapatay mula nang magsimula ang kampanya. Maski ang kasagraduhan ng nagdaang Mahal na Araw ay hindi pinatawad ng mga halang ang kaluluwa. Noong Sabado de Gloria, binaril at napatay ang gobernaturial candidate sa Kalinga, Apayao na si Rommel Diasen habang nagtatalumpati. Tinamaan siya sa bibig, batok at dibdib. Noong Huwebes Santo, dalawang supporters ng mayoralty candidate sa Batuan, Masbate ang inambus at napatay.
Sa Caloocan City, binaril ang sasakyan ni mayoralty candidate Recom Echiverri. Isa pang congressman ang umano’y inambus sa nasabing lungsod.
Hindi lamang mga pulitiko ang nauugnay sa lumalalang krimen kundi pati mga sibilyan. Noong Martes, isang babaing negosyante na paakyat sa Doroteo Jose LRT station sa Sta. Cruz, Manila ang pinagbabaril ng dalawang lalaki. Namatay noon din ang babae.
Nang araw ding iyon, hinoldap ang dalawang babaing Korean sa Quezon Avenue, Quezon City, dakong ala-una ng hapon. Nag-withdraw ng perang nagkakahalaga ng P100,000 ang dalawang Korean at nang nag-aabang na ng masasakyan ay biglang sumulpot ang dalawang lalaking nakamotorsiklo at hinoldap ang mga Koreana. Nang tumanggi, binaril ang mga ito.
Laganap ang baril at walang kakayahan ang Comelec at PNP na makontrol ang pagkalat. Maraming pinagkakaabalahan ang Comelec kaya hindi maipa tupad ang batas. Kailan kaya magkakaroon ng election sa Pilipinas na hindi mangingibabaw ang baril?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest