Tiklop si Sr. Supt. De Jesus at Chief Supt. Tango kay Insp. Mabun
April 13, 2007 | 12:00am
NAKAKULONG ngayon si SPO2 Jerry Ordino, 31, ng Task Force Diplomat ng SPD bunga sa walang habas na pagpapaputok ng baril noong Eastern Sunday sa Bicutan, Taguig. Si Ordino ay kinasuhan ng grave threat, illegal discharge of firearm, at malicious mischief. Hindi kasi napigilan ni Ordino na magpaputok ng kanyang baril sa Mini Park Zone 14 ng Western Bicutan at naaresto siya ng kapwa pulis. Si Ordino ay puwedeng ihalintulad kay Insp. Rolan Mabun, ng Malabon police, na masasabi kong inaabuso ang kanilang uniporme. Silang dalawa ang dahilan para bumaba pa ang imahe ng kapulisan sa sambayanan, di ba mga suki?
Kung si Ordino ay nakakulong na, hindi malayo na susundan ang yapak niya ni Mabun, na iniim bestigahan na bunga sa pagbanggit ng panga-lan ni NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Varilla sa video karera operation sa Malabon.
Si Mabun ang itinuturo ng mga kausap ko na protektor ng video karera operation ng isang alyas Charito sa Malabon. May halos 30 o 40 makinang nakalatag sa kaharian ni Mayor Canuto Oreta si Charito. Kaya’t hindi magawang ipasara ni Sr. Supt. Ramon de Jesus, hepe ng Malabon police at Chief Supt. Pedro Tango, hepe ng Northern Police District (NPD) ang video karera ni Charito dahil sa pagbanggit nga ni Mabun ng pangalan ni Varilla. Ayon kay Mabun, ‘‘bata’’ siya ni Varilla at mukhang walang nangahas kina Tango at De Jesus na alamin kung totoo ang pagyayabang niya.
Humahangos naman na nagreport ang espiya ko tungkol sa ilang puwesto ni Charito sa Bgy. Longos at Longos Proper. Pinabalik ko ang aking espiya para marami pang puwesto ni Charito ang makuha niya at giyahan si Varilla kung paano didisiplinahin si Mabun at malapatan ng parusa, he-he-he! Malapit ka na ring husgahan Insp. Mabun, Sir.
Sa Bgy. Longos Proper ang mga makina ni Charito ay matatagpuan sa bahay nina Linda at Aling Gloria. Sa Bgy. Longos naman ay sa bahay nina Arumet sa Zone 49; Ramon sa Zone 49 rin; kay Boy Saksak sa Block 17; Buddy sa Block 8 Francing sa Block 10; Efren sa Block 20; Gagasa Block 10 rin at kay Atod sa Block 8, Area 3.
Kung dumarami ang bilang ng krimen sa naturang lugar Gen. Varilla Sir, hindi ang kahirapan ang pangunahing dahilan kundi ang mga makina ni Charito. At natural lang na tataas din ang bilang ng drug addiction sa Bgy’s. Longos at Longos Proper dahil abot naman natin na mga durugista lang ang mahilig maglaro ng video karera, di ba mga suki?
Kaya kung mapuksa ang video karera ni Charito sa Malabon, tiyak dalawang problema ang nalutas ng mga bataan ni Gen. Varilla  ang kriminalidad nga at ang drug addiction. Tinitiyak naman ng mga kausap ko na hindi gagalaw si Mayor Oreta para ipasara ang video karera ni Charito dahil sa nalalapit na May elections. Siyempre, hindi na maitago ni Mayor Oreta na si Charito ay isa sa mga financiers niya sa election nga. Kung sabagay, hindi lang sa Malabon nangyayari ang ganitong klaseng sistema kundi maging sa halos lahat ng lugar sa bansa. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am
November 23, 2024 - 12:00am