^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dahil sa kahirapan kaya maraming di makapag-aral

-
NGAYON pa lamang ay marami nang magulang ang nangangamba kung mapag-aaral pa ba nila ang mga anak sa susunod na school year. Sa taas ng tuition fees at kamahalan ng mga librong gagamitin, hindi malaman ng mga magulang kung saan kukunin ang perang ipagpapaaral. Maski ang mga magulang na may regular na kinikita ay nangangamba rin sapagkat hindi nila alam kung kakasya ang kanilang naimpok para sa tuition ng kanilang mga anak.

At kung ang mga may regular na kinikita ay nangangamba, paano pa ang mga walang regular na trabaho. Ang pinaka-remedyo na lamang ay patigilin ang mga anak sa pag-aaral. Kahit na sabihin pang libre ang pagpapaaral sa publikong eskuwelahan, saan naman kukunin ng magulang ang ipababaong pera o pagkain sa mga anak. Mas mabuti nang tumigil ang anak at tumulong sa paghahanapbuhay. Kaya hindi na kataka-taka kung may mga tatay na karay-karay na agad ang kanyang anak na lalaki at katulong sa paghahalo ng semento o sa pagbubuhat ng hollow block sa konstruksiyon.

Ang kahirapan ng buhay ang isa sa mga dahilan kaya maraming estudyante ang napupuwersang tumigil sa pag-aaral. Ayon sa report ng Department of Education (DepEd), noong 2000-2001 ay 8.5 percent lamang ang nag-drop-out na mga estudyante sa secondary schools pero noong 2005-2006 ay dumami na at umabot sa 15.8 percent. Sabi pa ng DepEd, may ibang schools na umabot hanggang sa 30 percent ang nag-dropout.

Kahirapan ng buhay ang itinuturong dahilan at kung hindi malulunasan ng gobyerno ang problemang ito, apektado ang edukasyon ng mga kabataang Pilipino. Kung hindi magkakaroon ng regular na trabaho ang mga magulang, maraming kabataan ang hindi na makatutuntong ng high school at mas lalo ng kolehiyo. At kung magkakanito ang takbo, lalo nang kawawa ang bansa sapagkat ang mga susunod na henerasyon ay kapos sa pinag-aralan. Paano na ang bansang ito?

Dapat kumilos ang gobyerno at gawin ang lahat nang paraan para malunasan ang kahirapan. Hindi pawang pangako ang dapat ipagkalooob kundi ang pagsasakatuparan ng mga ito. Basagin ang kahirapan ng buhay para hindi maaapektuhan ang edukasyon ng mga kabataang Pinoy.

ANAK

AYON

BASAGIN

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

KAHIRAPAN

KAHIT

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with