^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay...

-
TATLONG araw na natahimik ang bansa bilang paggunita sa paghihirap at pagpapakasakit ni Panginoong Jesus. Kahapon lamang unti-unting nagkaroon ng ingay sapagkat ipinagdiwang na ang Muling Pagkabuhay ng Dakilang Mananakop. Marami ang nagsaya bunga sa Pagkabuhay na Muli ni Jesus. Bukas, balik trabaho na naman ang lahat. Magbubukas din ang mga eskuwelahan para sa simula ng summer classes. At ang tiyak, balik na naman ang batuhan ng putik at ang karahasan bunga ng nalalapit na eleksiyon sa susunod na buwan. Pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay, balik na naman sa dating masamang senaryo ang buhay ng mga Pinoy.

Hindi pa nga ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay ay balik na naman sa karahasan. Noong Sabado de Gloria, isang kandidato sa pagka-governor sa Kalinga, Apayao ang pinagbabaril habang nagtatalumpati sa entablado. Tinamaaan sa bibig, batok at dibdib si Vice Governor Rommel Diasen. Isang lalaki ang bumaril sa kanya na balewalang naglakad makaraan ang pamamaslang. Si Diasen ay kandidato sa ilalim ng partidong Lakas. Pulitika ang itinuturong dahilan ng pagpatay kay Diasen.

Noong Huwebes Santo, dalawang supporters ng mayoralty candidate sa Batuan, Ticao Island, Masbate ang inambus at napatay. Nakasakay sa motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin. Ang dalawa ay masusugid na supporters ng babaing mayoralty candidate sa nasabing bayan. Tatlong kalalakihan ang bumaril sa kanila. Mabilis na tumakas ang mga suspect. Pulitika rin ang itinuturong dahilan ng pamamaslang. Umano’y pinsan at masugid na supporters ng isa ring mayoralty candidate ang bumaril sa mga biktima.

Hindi lamang mga pagpatay na may kinalaman sa pulitika ang nangingibabaw sa kasalukuyan kundi pati na rin ang pagbabatuhan ng putik ng mga pulitiko. Ngayong natapos na ang Muling Pagkabuhay, tiyak na uusok na naman ang pagbabatuhan ng putik. Marami na namang kakalkaling baho ang magkakalaban sa pulitika. Magiging maingay at marumi na naman ang kapaligiran dahil sa walang tigil na pagbabatuhan ng putik. Mahigit isang buwan pa bago sumapit ang election at tiyak na maraming putik pa ang ibabato at ganap na aalingasaw ang baho.

Karahasan, batuhan ng putik at iba pang masasamang senaryo ang nakikita pagkatapos ng Pasko ng muling Pagkabuhay. Nakapanghihina ng loob ang ganitong nangyayari sapagkat kabaligtaran ang lahat ng mga nakikita. Sa halip na ang makita ay ang pagbabagong buhay at tibay ng pag-asa dahil sa Muling Pagkabuhay ng Mananakop, kabaligtaran lahat ang namamalas. Sana ay matapos na ang lahat ng ito. Sana ay magkaroon na ng lubos na kapayapaan.

DAKILANG MANANAKOP

MARAMI

MULING PAGKABUHAY

NOONG HUWEBES SANTO

NOONG SABADO

PAGKABUHAY

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with