Ping

Kasama ni Villar at Roxas, ang pangalang PING Lacson ang may ugong sa 2010 – kung may halalan. Mula PAOCTF head ni ERAP hanggang PNP Director-General at ngayo’y Senador, kakambal na ni PING ang kontrobersya (Kuratong, narcopolitics, espionage, kidnapping, wiretapping). Subali’t malinaw na minorya ang naniniwala sa paratang dahil tiwala pa rin ang nakararami kay LACSON – pang 2 or 3 ang dating sa survey.

Si PING ay tapos ng AB Philosophy sa Lyceum bago pumasok sa PMA kung saan kabatch niya si GRINGO HONASAN. Siya’y may Masters Degree sa Government Management mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Sa Senado, maaasahang lumahok sa mahalagang debate sa terorismo at corruption (may akda ng JOSE PIDAL expose at kamakailan ibinulgar ang plano ng Malakanyang na mamahagi ng P5 Billion na Irrigation fund sa mga kaalyadong opisyal). Plataporma ay HOPE: Health, Order, Peace at Edu Mcation.

PING LACSON Kwalipikasyon: 90

Plataporma: 90/Rekord: 90

Total: 90

DYAHE.
All present ang world press sa naganap na hostage drama kahapon. Sa pangunguna ng CNN, BBC, FOX, NHK, bumulaga sa mundo ang nakakad yaheng imahe ng isang bansang walang pag-asa, walang peace & order at walang liderato. Wika ng GO Senatoriable Alan Camyetano, kung 32 ang hostage ni Ducat, 85 million naman ang hostage ni GMA dahil sa kawalan ng aksyon ng gobyerno sa mga hinaing.

ITO ANG GUSTO KO!
Tanggal ang tinik pero naiwan ang lason. Useless ang ginawang diskwalipikasyon ng COMELEC kay Joselito "Juju" Cayetano. Hangga’t hindi ito pinal na desisyunan ng Korte Suprema bago eleksyon (imposible) ay hindi pa arin mabibilang ang botong CAYETANO para kay Cong. Alan Peter. Kaya’t sa nais makasiguro, ang isulat ay ALAN CAYETANO. I

TALO ANG KANO
. Miguel Gatmaytan, 11 years old. Bagong kampeon ng Florida Spelling Bee. Tinalo ang 13 na kadtunggali at tumagal ng 38 rounds (38 na mahirap i-spelling na salitas). Bilang Florida winner, siya’y lalahok sa National Spelling Bee sa Washington, D.C. kalaban ang kinatawan ng lahat ng estado sa Amerika. 3 years pa lang sa U.S. si Miguel. Ang tagumpay niya ay karangalan din ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas na nagbigay ng magandang pundasyon.

SPECIAL GRADE: 99
* * *
Sa lahat ng magsi-sipagtapos, HAPPY GRA_DUATION! ConBgratu_lations sa inyo at sa inyong mga magu_lang.

Show comments