Pinutol na ni Abarzosa ang sungay ng mga pulis
March 25, 2007 | 12:00am
MARAMING pulis na nakatalaga sa Manila Police District headquarter ang umalma sa bagong kautusan ni Permanent Acting Director Senior Supt. Danilo Abarzosa ng alisin ang halos 20 porsyentong pulis na dati ng naka talaga sa Investigative and Follow-up unit. He-He-He! Na-apektuhan ang ilang pulis na nasanay nang pumasok ng wala sa oras at iyong mga tinaguriang 15/30.
Pinutol na kasi ni Abarzosa ang mga sungay ng mga ito kung kaya’t abot langit ang ngingit nila sa kanilang hepe. Ngunit ang ilan naman sa mga talagang nag-tatrabaho ay labis ang panghihinayang sa puwesto hindi dahil sa kasangga na nila ang kanilang opisyal kung di panibagong pakikisama na naman ang kanilang gagawin sa magiging bagong kasamahan.
Ayon sa bagong kautusan ni Abarzosa ang lahat ng unit ay dapat lamang na bawasan upang ipuno sa mga presinto na nangangailangan ng pulis. " Down loading lamang ang gagawin ko upang ang mga pulis na maaalis sa mga unit ay aking itatalaga sa mga presinto upang punuan ang kakulangan upang maipatupad ko ang police visibility na naaayon sa kautusan ni PNP Chief Oscar Calderon at NCRPO Chief Reynaldo Varilla".
Naalarma na marahil si Abarzosa sa banta ng tero-rista kaya’ pinag-igting niya ang police visibility at foot patrol upang mapangalagaan ang siguridad ng mamamayan ng Maynila. At dahil sa malaking responsibili-dad ang nakaatang sa kanya matapos na ipagkati- wala sa kanya ang pag-detine kay Bayan Muna Representative Satur Ocampo habang ina-antay ang pormal na kautusan ng korte ay patuloy ang kanyang paghi- higpit sa lahat ng mga pulis upang mabigyan ng siguridad ng MPD at mamamayan.
Nasa tamang landasin ang kautusan ni Abarzosa dahil sa panahon ngayon ng kampanya ng mga puliti- ko na higit na kailangan ng bawat partido upang maiwasan ang kaguluhan. At dahil na rin sa nalalapit na mahal na araw higit din kailangan ang siguridad sa mga simbahang katoliko.
Kaya’t saludo ako sa direktibang ito ni Abarzo- sa upang maalis sa isipan ng ilang mamamayan na nagpapalaki lamang ng tiyan ang ilang pulis na nagtatago sa kanilang mga unit. Ngunit Sir, nais kong iparating sa inyo na magiging matagumpay lamang ang kautusan mong ito kung matama mong subaybayan ang mga kilos ng inyong mga tauhan.
Regular mong tsekin ang mga attendence ng inyong mga tauhan upang maging visible sila sa mga puwesto. Dahil, kaya umano umaalma ang ilang pulis na naalis sa kaniang mga unit ay dahil sa marami pa umano sa kanilang hanay ang nagtatamasa ng di parehas na pag-trato. Ang ilan kasi sa mga pulis ay naglalagay sa kanilang mga opisyal ng mula P5 hanggang 6 na libo kapalit ng hindi nila pagpasok. Get mo Sir! He-he-he!
Nais kong batiin ng personal si Senior Ins-pector Edgardo C. Carpio ang hepe ng Theft and Robbery Division Follow-Up Group matapos na mag-isang arestuhin ang anim sa walong myembro ng "Laglag Barya Gang" na nambibiktima sa mga pasahero ng jeep sa kahabaan ng Taft Avenue, Ermita, Manila partikular sa may harapan ng Philippine General Hospital (PGH).
Sa di sinasadyang pagkakataon mga suki ay nabuntutan ni Capt. Carpio ang isang pampasaherong jeep na kinalululanan ng may walong suspek na kahina-hinala ang kilos, kung kaya’t hindi na niya ito tinigilan sa pagmamanman. May ilang beses itong palipat-lipat ng sakay sa mga pampasaherong jeep kung kaya’t kitang kita niya ng sa tuwing bababa ang mga ito’y may mga bagay na pinag-papasapasahan at ng maka-tiyempo ay agad niyang penara ang jeep at pinababa ang mga suspek na nakilalang sina Edgar Grindo, Pepito Villanueva, Joel Joyosa, Blan dino Paran, Randy Ortega at Ezer Fortuna na pawang residente ng Manaol, Nagcarlan, Laguna.
Nabawi rin ang isang celfone sa mga suspek nang itoy masakote subalit ang dalawang kasama han nito’y nagpanggap na pasahero kaya’t nakatakas sa kanyang mga kamay. Ang anim ay agad niyang dinala sa tanggapan ng kanyang hepe na si CInsp. Dominador Arevalo Jr. sa tulong ng Traffic Enforcer na si Pablo Baltazar.
Ilan pa kayang pulis ang makakatulad sa kakayahan ni Capt. Carpio- sa hanay ng ating pulis at kung mayroon man ay hindi tayo mangingiming purihin sila upang pamarisan ang kanilang lahi. He-he-he! Mabuhay ka Capt. Carpio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest