ito’y kaarawan ng dyaryong mas’werte;
Sa mga balita’y hindi nahuhuli
nangunguna pa nga’t matapat magsilbi!
Sa lahat ng tabloid at dyaryong Tagalog
Pilipino Star NGAYON isa nang bantayog;
Sa maraming dyaryo sa buong sinukob
ito ay tangkilik –- malayo ang abot!
Mga Pilipinong nasa ibang bansa
liwanag ng Star ay tinitingala;
Sa Saudi Arabia’t saka Amerika
ito ang dayuhang doo’y binabasa!
Pinoy Star NGAYON ay nagluluningning
nagsisilbing tanglaw sa gabing madilim;
Malalayong isla at mga bukirin
liwanag ng STAR nakasasapit din!
Mga kabataang nasa paaralan
kasama sa baon – Pilipino Star
Hinahanap ito ng guro’t magulang
lalo na’t may research na gustong malaman!
Sa mga lugaring saklot ng pangamba
Pinoy Star NGAYON doo’y binabasa;
Ang gusto’y malaman kung saan pupunta
mga terorista’t taong masasama!
Tinutuklas pa rin ng mga eksperto
kung bakit maunlad itong dyaryong ito?
Ah ito ay utang sa management nito’t
ang mga tauha’y alagang totoo!
Sa isla ng Luzon, Visayas, Mindanao
ang P. Star NGAYON pinag-aagawan;
Ang gusto’y mabasa mga nilalaman
balitang pambansa –- balitang pambayan!
Liwanag ng Star lalaging maningning
Sa langit ng bansa’y hindi magdidilim;
Bawa’t henerasyong sa ati’y darating
Ito’y pahayagang laging mamahalin!