^

PSN Opinyon

Katarata

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MARAHIL ay nakakita na kayo ng mga taong may katarata. Mapapansin ninyo na binalutan ng ulap ang kanilang mga mata. Unti-unting natatakpan ang itim ng mga mata.

Ang katarata ay isang condition kung saan ang lens ng mata ay nagiging matigas at opaque. Ito ang nagi ging dahilan kaya nagiging blurred ang paningin. Ang lens ng mga mata ay nakapaloob sa isang manipis na capsule at ito ang responsible sa tumatamang liwanag papasok sa retina kaya nagkakaroon ng hugis ang imahe.

Ang katarata ay karaniwang tumatama sa mga nagkakaedad na tao pero maaari ring tumama sa mga kabataan. Ito rin ay maaaring mamana ng sanggol sa kanyang inang may katarata.

Karaniwang sintomas ng katarata ay ang panlalabo o pagblurred ng mga mata na habang tumatagal ay nagiging grabe.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng katarata. Una ay ang natamong kapinsalaan ng mata; ikalawa ay ang mga tinatawag na metabolic disorders kagaya ng diabetes at hypoparathyroidism; ikatlo, congenital disorders particular ang Down’s syndrome at German measles o rubella. Gayunman, ang pinaka-karaniwang dahilan ay ang pagtanda ng tao.

Ginagamot ang katarata sa pamamagitan ng operasyon. Aalisin ang bahagi ng lens na apektado o maaaring ang kabuuan nito.

Kapag napansin ng mga nagkakaedad na nagiging blurred ang paningin, huwag itong ipagwalambahala at agad kumunsulta sa doctor. Ang mga impeksiyon sa mata ay nangangailangan ng agarang pagtingin. Magkaroon ng regular eye checkup at sight tests.

AALISIN

GAYUNMAN

GINAGAMOT

KAPAG

KATARATA

MATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with