Political killings at ang tulong ng Amerika

NAG-ALOK ng tulong ang Amerika sa Pilipinas sa pagresolba sa lumulubhang political killings sa bansa. Pihong papalag ang mga militante sa intensyon ng Amerika.

Sa ganang akin, katig ako sa opinion ni Sen. Ralph Recto tungkol dito. Okay umasiste ang United States sa paglutas ng pamahalaang Pilipinas sa mga nangyayaring political killings sa bansa. Pero dapat, may limitasyon: Puwera pang-eespiya!

Sabi nga ni Senador, hindi ito dapat tutulan pero huwag lang magsagawa ng mga sikretong political surveillance o pang-eespiya ang mga tauhan ng Amerika sa Pilipinas. Kung ang tulong ay ang pagbibigay ng mga makabagong equipment at sa larangan ng imbesstigasyon, aprubado iyan.

Halimbawa, makatutulong nang malaki, hindi lamang sa paglutas sa mga political killings kundi sa pagresolba sa ibang krimen kung makapagbibigay ang US sa atin ng mga modernong forensic equipment upang kahit ang mga kalansay ng biktima ng pamamaslang ay matukoy kung sino at kung paano pinatay. Diyan tayo kulang.

Ayon kay Recto ‘‘the country would appreciate the offer more if the US would investigate other killings or major crimes that have bedeviled law enforcers for years’’.

Bilang Senador sa nakaraang Kongreso ay hinihi- mok ni Recto ang US na gumawa ng nararapat at konkretong hakbang upang labanan ang krimen "by providing us state-of-the-art forensic equipment for free, or on credit.’’

Hindi naman sa pangangayupapa sa Amerika pero harapin natin ang katotohanang backward ang Pilipinas sa maraming bagay, particular sa pagresolba ng mga krimen. Hindi naman tayo masyadong demanding. Kahit pinaglumaan ng Amerika ay malugod nating tatanggapin basta’t makatutulong ito sa atin. Sabi nga ni Recto, ‘‘Forensic equipment, even if they are hand-me-downs, are much needed, along with trained people who know how to use them. This offer is one thing we can not refuse’’.

Makatarungan lamang at nararapat na magkaroon ng masusing imbestigasyon hinggil sa mga patayan, dagdag pa ni Recto.

Show comments