Kung nuong unang pasyal natin diyan ay papagabi, ngayon ay ginawa natin ng umaga at kasama pa natin si Lito Banayo, dating Presidential Adviser for Political Affairs ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada at dating tagapagsalita ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson.
Pero laking gulat natin dahil madilim pa rin sa mga looban nila. Nang bumati tayo ng "Magandang Umaga," sinagot tayo agad na gabi pa rin sa kanila dahil hindi na nga sila nakakaranas ng liwanag sa loob nila at wala ngang kuryente. Bagama’t nilabas na natin ang isyu ng kuryente sa nasabing lugar, obvious na winalang bahala ito ng Meralco dahil ni wala raw pumapasyal sa kanila upang alamin kung totoo ba ang reklamo ng mga taga ruon. Sinikap ng ilan sa kanila na makipag-usap sa mga taga Meralco pero walang pumansin sa kanila.
Anyway, muli tayong nakikiusap sa Meralco para sa mga residente sa nasabing lugar na sana naman kahit paano magkaroon sila ng kuryente. Willing naman ho sila magbayad, katunayan mga P200,000 pesos na po ang dineposito ng mga residente sa nasabing lugar sa Meralco mga tatlong taon na hong nakaraan.
Hinanda na ho ng Meralco ang pagpapakabit ng kuryente nila pero itinigil ito sa hindi malamang kadahilanan. Katunayan, ang mga kabitan ng metro sa isang poste sa tapat ng naturang lugar ay nakahanda na. Sabi ng ilan, malabo raw ituloy ito dahil sa may nahuli ang Meralco na mga lima o anim na taong nagnanakaw ng kuryente sa naturang lugar. Hindi naman ho siguro kasalanan ng lahat ang kasalanan ng lima o anim na ito. Kasuhan niyo ang mga ito at ipakulong at huwag niyo ho idamay ang iba.
Tsaka, isipin niyo naman kung saan kukuha ng kuryente ang mga tao riyan e ayaw niyo naman silang kabitan, willing nga sila magbayad. Kakaawa ho ang mga nakatira riyan na mga kababayan natin at lalo na siguro kung magkaroon ng sunog diyan dahil ni hindi makikita ang daraanan. Marami ho kasi sa kanila ang ginagamit ho ay mga gasera.
Ang kakulangan rin ho sa kuryente ang magdudulot ng sakit dahil marami hong stagnant water na hindi naaalis at ganundin ang mga basura. Buti na lang nga ho ang mga opisyal ng barangay sa naturang lugar sa pamumuno ni Chairman Antonio Cayetano at mga residente ay nagtutulong tulong kaya kahit paano ay napipigilan ang mga pagkalat ng sakit na madaling maging epidemiya.
Nakikiusap ho sila sa inyo mga opisyal ng Meralco. Inuulit namin, willing sila magbayad ng tama. Kami man ho nakikiusap para sa kanila. Maantig sana ang puso ninyo at aksyunan agad ito. Kumilos rin sana ang mga taga city hall ng Maynila para sa mga kababayan nating mga ito.
Ilang beses ko hong binasa at pinakinggan pero kahit minsan hindi ko narinig na nabanggit ang pangalan nila. Anyway, ilathala natin at kayo humusga.
How much is that doggie in the window? At anong klaseng aso ba ito? Ewan ko, sila ang tanungin niyo, bakit sila naging aso. Magkano ba ang aso Senado? Iboboto niyo ba mga ito? Sayang lang inyong mga boto kung mapupunta lang sa aso. Bawal ang aso sa Senado. Ibang klaseng aso kasi ito. Hindi tumatahol o nanghahabol. Naghihintay lang ng suhol. Balimbing ang ngalan ng aming aso. Hindi siya kumakain ng buto. Balimbing ang kanyang paborito. Kaya siya’y balimbing na aso.
Well, sabi nga nila bato bato sa langit huwag magalit tiyaka ngayong panahon ng election, pikon talo.
Lahat talaga gagawin nila upang talunin si Cayetano na kesa bumaba sa survey ay patuloy lang umaangat. Habang inaapi nila si Alan ay tataas lang ito ng husto.
Ganyan ang ginawa nila nuon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson na siniraan nila kaliwa’t kanan pero hindi nila napabagsak. Ika nga sa wikang English "you can’t put a good man down."
Habang sinisiraan nila si Alan Peter Cayetano ay aangat lang ito ng husto dahil hindi maitatago sa sambayanan, lalo na sa masang Pilipino ang pang-aaping ginagawa sa kanya at sa iba pang kandidato ng oposisyon.