Si Rez Cortez at ang ASO

GALIT ang aktor na si Rez Cortez sa mga dati niyang kasama na lumipat sa kampo ng administrasyong Arroyo. Umiyak pa siya nang interbyuhin. Si Rez ay isa sa aktibong lider ng namayapang Fernando Poe Jr.

Masama ang loob ni Rez kay Sen. Ed Angara, mga dating senador Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta na tinawag na ASO. Ang tatlo ay mga malalapit na kaalyado ni dating President Estrada at namuno para kumandidato si FPJ. Hindi naman mala man kung ano talaga ang dahilan nang biglaang paglayas ng tatlo sa oposisyon at sumapi sa administrasyon. Sila ay kasaa-mang nagpoprotesta na mapatalsik si GMA sa puwesto bilang presidente noon.mb

Ang pangyayaring ito ang naging dahilan kung bakit naglabas ng ASO jingle ang grupo ni Rez. Inamin ni Rez na siya ang nasa likod ng ASO jingle. Reklamo Nina Angara, Sotto at Oreta, binabastos at iniinsulto sila ng jingle. Hindi ko masisisi si Rez kung bakit nagalit sa mga tinawag niyang ASO.

Mortal nga namang kalaban ang Team Unity ni President Arroyo. Pero dapat malaman ni Cortez na may_roon din namang taga-administrasyon na lumipat sa Genuine Opposition.

Dapat ay alam na ni Rez na marumi ang pulitika. Maraming kasamaan ang idinudulot nito. Dirty politics at wala nang iba. Kapag pumasok sa pulitika, kailangang matibay ang dibdib at malakas ang sikmura. Kaya ‘yung may mga principles at idealism ay ayaw pumasok ng politics. Kung malinis ka, hindi ka naba_bagay sa politics. Iyan ang katotohanan.

Show comments