‘Anong nangyari kay Larry?’ - Part 2
February 28, 2007 | 12:00am
GAYA NG PINANGAKO KO NUNG LUNES, ipagpapatuloy ko ang kwento tungkol sa pagkamatay ni Larry Cayabyab sa loob ng Barangay Hall, Brgy. 194 Pildera, Pasay City.
Kung inyong matatandaan sa aking pitak nung Lunes sinabi ko personal kong nakausap sa telepono itong si tanod David Samson at sinabi niya sa akin na nakasubsob sa may highway ng Ninoy Aquino Avenue itong si Larry kaya’t pinagpasyahan nila na dalhin sa Barangay Hall.
Tinanong ko kung patay na si Larry at sabi niya na lasing na lasing daw kaya lang sa himig ng tinig nitong barangay tanod na ito, medyo hindi siya komportable at pabagu-bago ang kanyang statement. Kaya mas lalo kong tinanong kung nakausap niya si Larry upang malaman kung saan nakatira itong lasing na mamang ito. Sabi niya puro "ooh, uh" ang ibig sabihin nito na may buhay pa ang binata at wala lang sa huwisyo. Kung may sugat ang binata sa kanyang katawan mga kaibigan, karaniwang pagbitbit sa taong nakita mong nakasubsob sa highway ay titingnan mo kung may sugat, saksak, tama ng bala, may dugo ba ito, patay na ba ito? Subalit walang maisagot sa akin ng tama itong si David na ito. Bakit kaya? Hindi ba’t SOP na alamin mo ang estado ng taong dinadampot mo?
Wala siyang sinabi na may sugat yung biktima sa ulo at wala din sa t-shirt na suot nung biktima.
Naiwan si Larry sa Barangay 194 mula pasado alas onse ng gabi nung siya’y dinala dun hanggang nung malaman nila na wala ng malay at parang wala na ring buhay ang biktimang si Larry.
Napilitang tumawag ang mga barangay ng pulis at dun na rumesponde ang mga Pasay Police. Kasama na rito si SPO1 Elenita Sison.
Patay na nga si Larry. Pinasyahan na ng mga pulis na dalhin sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City. Dun nagsagawa ng autopsy ang Medico-Legal-Officer na si Police Chief Inspector Voltaire P. Nulud ng PNP Crime Laboratory.
Narito ang kanyang POSTMORTEM FINDINGS.
HEAD: 1. Contusion, left temporal region, measuring 10 x 8 cm, 13 cm from the midsagital line.
‚ There is subdural and subarachrnoidal and epidural hemorrhages.
‚ The stomach is empty.
‚ CONCLUSION: Cause of death is traumatic injury, head.
Isang bagay ang lumalabas sa report ni Dr. Nulud. Si Larry ay namatay dahil sa isang palo mula sa isang matigas na bagay (blunt instrument) sa likod ng kanyang ulo.
Sino ang pumalo kay Larry. Ayon sa barangay tanod na si David wala silang napansin na sugat sa ulo o dugo man lang sa katawan ng biktima ng ito’y kanilang matagpuan sa may Highway, Ninoy Aquino, Avenue.
Nakasubsob ang mukha. Kung ito’y dun sa lugar na yun pinalo dahil gustong pagnakawan, sina SPO1 Sison ay nagpunta sa scene kung saan natagpuan ang biktima at walang dugong nakita. Ang tama sa ulo kadalasan ay madugo. Walang bakas ng dugo sa ulo ni Larry.
Sa findings din ng medico-legal-officer walang mga galos sa katawan ng biktima. Sa braso, sa tuhod sa likod kahit saan. Palo lang sa ulo na kanyang ikinamatay dahil sa hemorrhage sa ulo.
Sino ang pumalo kay Larry sa ulo? Matatandaan natin na sinabi ni David at ito’y hindi niya mapagkakaila sa akin dahil ako ang kanyang kausap na nakasasagot pa kahit paungol ang biktima ng ito’y kanilang tanungin.
Sa Barangay Hall ba pinalo si Larry? Ayon kay SPO1 Sison wala raw dugo sa lugar kung saan nakitang nakaupo at nakalugmok ang biktima. Hindi kaya nilinisan ang sahig ng barangay hall? Nagtatanong lang.
ABANGAN sa BIYERNES ang conclusion sa kaso ni Larry Cayabyab. EKSCLUSIBO sa "CALVENTO FILES sa PSNGAYON."
Kung sinuman ang may nalalaman sa tunay na nangyari kay Larry makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan.
SA PUNTONG ito nais kong pasalamatan si Senior Superintendent Florencio Caccam, Chief ng Firearms and Explosives Division ng PNP at Prosferina Felix para sa kanilang tulong.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am