Maganda sana ito kaso sobra yata ang pagtitipid dahil minsan ay kahit isang bumbilya ay ayaw nilang buksan. Ilan sa kanila ay nagbukas lamang ng ilaw nang mapadaan ako at lubos ho ang pasasalamat ko sa kanila kaya hindi ko mapigilan ang magtanong bakit super savings yata sila ng energy.
Well, mga kaibigan, hindi pala super savings ng kuryente kung hindi takot na umiiral sa kani-kanilang mga puso at kaba tuwing dumarating ang bills ng Meralco.
Mga residente ho rito kasama na po sina Ernie Angeles at Pacita Villanueva (regular po silang tumatangkilik ng aking column, maraming salamat po) ay laging muntik atakihin sa puso tuwing darating ang bills ng Meralco. Masyado hong mataas at umaabot sa libo kahit ho gamit nila lamang ang kuryente sa mga tatlong ilaw, isang maliit na ref at television.
Isa ho sa nakausap ko ay hindi pinakinggan ng Meralco nang magreklamo dahil umabot sa P28,000 ang kanyang electric bills sa loob lamang ng isang buwan. Gamit niya ho sa bahay ay isang electric fan, dalawang fluorescent bulb, isang refrigerator at isang television.
Marami ho sa kanila ang nagsasabing libo ang kuryente nila at bagama’t laging sagot ng Meralco na baka may ilegal na nakakabit sa kanila, mas hinala nila ay hindi na tinitingnang mabuti ng mga meter readers na gumagamit ng binoculars o telescope.
Ni minsan daw hindi nila makita ang mga nagbabasa ng metrong ito kaya maaari rin daw na nanghuhula na lamang ang mga ito kung kaya nagiging madilim ang mga looban ng naturang lugar na siya namang nagiging sanhi ng krimen.
Dapat hong ayusin ng Meralco ang problema diyan, bigyan nila ng maayos na connection na tama lamang ang electric bills at tiyak ko mawawala o kung hindi ay mababawasan ng malaki ang mga illegal connections.
Mga taga-Meralco, paki naman po at paalala rin sa suliranin ng marami nating mga kababayan diyan sa Oroquieta malapit sa Recto kung saan nakikiusap sila sa Meralco na bigyan sila ng legal na connection upang matigil ang mga jumper at iba pang illegal na connection.
Hindi ko na lamang sila babanggitin dahil bibigyan ko sila ng benefit of the doubt na talagang nais nilang makipiyesta sa naturang lugar. Sana lamang sa susunod na mga taon ay nandiyan din kayo at hindi ngayong panahon ng election.
Dati ho, ayon sa mga residente diyan sa nasabing lugar na pinamumunuan ni Bgy. Chairman Manny Garcia, si dating Congressman Harry Angping at ang kanyang grasyosyang maybahay at tunay na nanalong Congresswoman Naida Angping lamang ang walang miss na nakaaalala sa nakaraang walong taon at umaattend ng misa sa naturang lugar.
Salamat din kay Lola Binyang na pinagtuunan ako ng pansin talaga sa pagdalaw ko muli sa Tambunting kasama ni Cong. Harry, Kagawad Cristino de Guzman, TY din nang marami at lahat sa inyo riyan na inabala ko.
Ganoon din ang buong ticket ng GO na sina Sonia Roco, Koko Pimentel, Nikki Coseteng at representative ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes na nakakulong pa rin dahil sa Oakwood mutiny.
Pinalakpakan din nang husto ang mga hindi tatakbong sina Sen. Loi Ejercito, Jinggoy Estrada, Frank Drilon, Serge Osmena at siyempre si Makati Mayor Jejomar Binay. Well applauded din at pinagkaguluhan si Sen. Alfredo S. Lim na tatakbo bilang mayor ng Maynila at kanyang running mate na si Lito Banayo na Cabinet member ni dating President Joseph "Erap" Estrada at spokesman ni Sen. Ping Lacson.
Pero pinakamatindi ho rito ay nang ipalabas ang video ni dating President Erap na hanggang sa araw na ito ay nakapiit sa kanyang Tanay resthouse kahit na walang ebidensiyang maipakita laban sa kanya.