Pagkabingi

ITO ay ang partial o ang total na pagkawala ng pandinig sa isa o magkabilang taynga. Maaaring ang dahilan ng pagkabingi ay congenital o sapul sa pagkasilang at conductive o abnormalidad sa pinakaloob at gitna ng taynga na nahaharang ang sound waves. Dahilan din ng pagkabingi ang nerve deafness kung saan may abnormalidad sa pinaka-loob ng taynga o ang auditory nerve at ang kadalasang apektado ang mga taong mahigit 50 taong gulang. Ang pagkabingi ay maaaring dahan-dahan at bigla.

Ang taong may congenital deafness ay hindi nagre-react sa tunog. Malalaman ang mga bata kung ito ay isang bingi kung sa kabila na sila ay malaki na ay hindi makapagsalita. Dapat pagsuutin ng hearing aid ang mga bata. Dapat din namang sumailalim sa training ang bata para matutong magsalita.

Ayon sa report nagkakaroon ng congenital deafness kapag ang ina ay dinapuan ng German Measles.

Ang conductive deafness ay maaari namang malunasan sa pamamagitan ng operasyon at sa pagsusuot ng hearing aid. Ang nerve deafness ay maaari namang malunasan sa pagsusuot ng hearing aid.

Ang paggamot sa pagkabingi ay depende kung ano na ang kalagayan ng taynga. Kung mayroong tubig o luga ang gitnang bahagi ng taynga, kailangan itong i-drained.

Sa pagpili ng hearing aid dapat maingat na pumili kung ano ba ang naaakma sa dahilan ng pagkabingi ng pasyente. Cochlear implants ang tawag sa mga taong sobra na ang pagkabingi at hindi na maaaring gamitan ng hearing aids.

Show comments