Magna Cum Laude ng kursong B.S. Education at may Master’s Degree sa Social Psychology mula sa Ateneo, si Gng. Roco ay may background din sa sining. Nag-aral siya ng drama sa England at naging artista, director at prodyuser ng mga dula. Bago pa man umikot sa bansa nung dalawang kampanya ni Senador Roco sa pagkapangulo, siya’y naging pamilyar na sa ating mga kababayan dahil sa drama sa sarili niyang buhay.
Kung maalala natin ang lindol sa Baguio nung 1990, magugunitang si Gng. Roco ay natabunan nang gumuho ang Hotel Nevada kung saan siya’y nagseseminar. Saksi ang lahat sa paglamay ng noo’y Congressman pang si Raul ng dalawang mahabang araw na itinagal ng kanyang maybahay sa ilalim ng bakal, semento at mga bangkay ng kasamahan. Pigil hininga nating inintay ang walang katiyakang resulta ng paghukay ng mga minero at kadete ng PMA, tanging pananampalataya sa Diyos ang kalasag laban sa dagdag pang pagkolapso ng mga semento. At nang milagrong nailabas na buhay si Mrs. Roco, lahat ay nabunutan ng tinik. Bawat isa sa ating sumubaybay sa drama ay feeling na ring asawa, ama, ina, anak, at kapatid niya na lubusan ang saya.
Dahil dito’y hinirang siya nang maraming isang "Woman of Destiny". Tila IGINUHIT NG TADHANA na ang dating artista ay makaligtas upang gampanan ang iba pang mas mahalagang papel sa buhay nating lahat.
Walang nakahula sa sakripisyong pag- atras ni JV Ejercito para sa kanya. Sa pinakabagong sangandaan sa buhay ni Sonia Roco, ano ang makukuha niya sa baraha ng kapalaran? Mabunot kaya niya ang ALAS na marka ng kanyang mahal na Raul at sundan ang yapak nito sa SENADO?
SONIA M. ROCO
Kwalipikasyon:
87/Plataporma: 87/
Rekord : 85
Total : 86.3