^

PSN Opinyon

Baras, Rizal sex scandal (Ang kabuuang istorya)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
A-TRES ng Enero, nang kumalat sa mga cellphone ang mga sex photos ng isang college instructor ng Uni versity of Rizal (URS) at ng kanyang dating estud-yante.

Mga larawan o still photos ng kanilang pagtatalik na kinunan mismo ng guro na si Alexis Tunque at ng kanyang estudyanteng itinago namin sa pangalang ‘‘Colleen.’’

Ang dahilan isi-nend ni Tunque sa website ang kanilang mga sex still photos sa Friendster account ni ‘‘Colleen’’, na kung saan malaya ang sinumang estudyante na mag-access at tingnan ang nilalaman nito.

Bagamat nabibilang lang ang mga maliliit at masisikip na internet café sa bayan ng Baras at Morong, agad itong kumalat.

Bukod sa kumalat ang mga larawan sa website, ipinasa-pasa din ito sa mga cellphone ng mga estudyante, pinagpiyestahan at binansagan nilang Baras sex scandal.

Sinamantala rin ng mga malilikhaing oportunista sa industriya ng pornograpiya at gumawa ng sarili nilang bersyon ng ‘‘Baras Sex Scandal.’’ Pero hindi na namin ito pinag-aksayahan ng panahon dahil hindi si Colleen ang nasa video.

Sa pagtungo ng BITAG sa Baras, Rizal, nakausap namin ang isa sa mga estudyante ng University of Rizal System na naging estudyante ni Tunque at napatunayan ang pagiging manyakis ni Tunque.

Mas pinagtuunan ng BITAG kung paano makukumpronta ang bansot na manyakis na si Tunque na matagumpay na naipalabas ng mga BITAG Undercover sa kanyang pamamahay.

Sa ginawang kumprontasyon ng BITAG kay Tunque, nagmistula itong maamong tupa, nagsisi kuno sa kanyang kalokohang nagawa.

Bagama’t humingi ng paumanhin si Tunque, hindi pa rin siya ligtas sa batas. Maaari siyang sampahan ng kasong krimi- nal at administratibo, ang Sexual Harrassment at Sexual at Psychological offense kay ‘‘Colleen."

Patuloy na tinututu kan ng BITAG ang kasong ito. Abangan!

vuukle comment

ALEXIS TUNQUE

ARING

BARAS SEX SCANDAL

RIZAL

SEXUAL HARRASSMENT

TUNQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with