Bilang depensa, iginiit ni Tina na wala siyang kaala-man sa naunang kasal ni Mateo kung kayaít nang matuklasan niya ito ay agad niyang hinikayat si Mateo na pawalan ng bisa ang kanilang kasal. Sa katunayan, si Mateo Reyes at si Jaime Cruz daw ay iisang tao; at simula pa 1986, gamit na niya ang apelyidong Reyes sa lahat ng kanyang negosyo at personal na transaksyon kung kayaít ang paggamit sa apelyidong ito ay hindi isang misrepresentasyon sa ilalim ng Section 78 ng Omni-bus Election Code para makansela ang kanyang kandidatura. Tama ba si Tina?
TAMA. Ang tanging isyu sa kasong ito ay hindi ang karapatan ni Tina sa paggamit ng apelyidong Reyes sa kanyang kandidatura, kundi upang alamin kung ang paggamit nito ay maituturing na isang materyal na representasyon na ipinagbabawal ng Section 78 ng Omnibus Election Code. Ayon sa batas na ito, ang materyal na representasyon ay tumutukoy sa maling representasyon ng isang kandidato tungkol sa kuwalipikasyon nito sa edad, tirahan, pagkamamamayan o anumang legal na kwalipikasyon na hinihingi ng posisyon sa lokal na halalan na naaayon sa Local Government Code. Samantala, hindi layunin ng batas na itanggi sa isang kandidato tulad ni Tina ang politikal na karapatan nitong tumakbo sa halalan dahil lamang sa isang hindi nakapipinsalang pagkakamali.
Tumutukoy din ang Section 78 sa sadyang panloloko, pagbibigay ng maling impormasyon o pagtatago ng katotohanan ng isang kakandidato. Sa katunayan, ang paggamit ni Tina ng apelyidong Reyes ay hindi saklaw sa ipinagbabawal ng batas. Kilala na si Tina ng mga botante ng kanyang bayan dahil mula 1986 ay nakatira na sila ni Mateo bilang mag-asawa sa nasabing bayan bukod pa sa paggamit niya ng apelyidong Reyes sa lahat niyang gawain. Samakatuwid, mali ang paratang ni Art laban kay Tina kung kayaít hindi nakansela ang kandidatura ni Tina (Salcedo II vs. COMELEC, et. al. G.R. No. 135886, August 16, 1999).