‘Epekto ng maling??? batas...’
February 12, 2007 | 12:00am
NOONG Sabado inexplain ni Undersecretary Ernesto Pineda sa aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" kung ano ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 Republic Act 9344 na isinabatas ni Mega Senator Francis "Kiko" Pangilinan. Ipinarinig at ipinakita niya ang maaaring mangyari sa batas na ‘to. Nakakalungkot isipin ang sitwasyon na may krimen subalit walang kriminal.
Hindi lamang naprotektahan ang suspek sa batas ni Mega Senator Pangilinan, ngayon lumalakas ang loob ng mga youthful offenders na sila pa ang bumwelta sa kanilang mga biktima.
Si Remedios Tecson ng Caloocan City ay kanilang hinabla nang mapawalang sala ang suspek na gumahasa sa mga anak nito. Ito ang istoryang tampok sa araw na ito.
Hindi lamang basta magkapitbahay ang mga pamilyang Tecson at Evano sapagkat malapit pa sila sa isa’t isa. Ninang sa kasal ni Remedios ang ina ng suspek, si Nelia Evano. Madalas nitong ipatawag si Remedios dahil siya ang madalas ipatawag sa tuwing may ipapagawa o ipapalinis sa kanilang bahay.
Kalaro ng suspek na si Francis Evano alyas Didit, 12 taong gulang, ang mga biktimang itago na lamang natin sa pangalang Niña, anim na taong gulang at si Angel, apat na taong gulang. Panatag naman ang loob ni Remedios sa pakikipaglaro ng mga anak sa suspek dahil sa magandang relasyon ng kanilang pamilya.
Ika-7 ng Nobyembre 2003 ng hapon, inutusan ni Remedios si Niña na magpunta sa bahay ng mga Evano sa Concepcion, Tala, Caloocan. Pinatanong nito kung may ipapagawa sa kanya ang kanyang ninang.
Lumipas ang halos kalahating oras subalit hindi pa bumabalik si Niña mula nang utusan ng ina kaya naisipan na nitong sundan ang anak upang alamin kung bakit hindi pa ito bumabalik.
Inikot ni Remedios ang baba ng bahay ng mga Evano habang tinatawag ang pangalan ng anak subalit wala namang sumasagot.
Ilang minuto ang lumipas nakita ni Remedios na tumatakbo ang anak pauwi ng bahay. Namumutla sa takot si Niña at napansin nitong hindi ayos ang pagkakasuot ng kanyang jogging pants.
"Tinanong ko ang anak ko kung saan siya galing at sinagot naman niya akong sa bahay nina Didit pero ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ginawa nila," kuwento ni Remedios.
Nagkataon namang nasa labas ng bahay ang isa pang kalaro ng kanyang mga anak, si Marisol. Tinanong ni Marisol si Niña kung ano ang ginawa sa kanya ni Didit hanggang sa malaman ni Remedios ang nangyari sa anak.
Ipinagtapat naman ni Niña na hindi lamang iisang beses itong pinagsamantalahan ni Didit. Ika-29, 30 at 31 ng Oktubre 2003 naganap ang di-umanong pananamantala sa kanilang magkapatid sa loob ng bahay ng suspek.
Ikinuwento nina Niña at Angel na naglalaro silang magkapatid kasama si Catherine ay bigla na lamang silang tinawag ni Didit habang ang kanilang ina naman ay abala sa paglilinis at pagdadamo sa bakuran ng mga Evano.
Ayon sa pahayag ng mga biktima, pilit silang kinukumbinsi ni Didit na sumama sa kanya. Kahit na ayaw, hinila pa rin sila nito at ipinasok sa kuwarto. Nang makapasok na ang mga ito, ’di-umanoy hinubad ni Didit ang mga damit ng mga biktima at pinahiga sa kama.
Si Angel ang una. Ipinakain daw ng suspek ang ari nito pagkatapos ay si Catherine naman. Ang panghuli naman ay si Niña. Ipinasok ang kamay sa ari nila at pagkatapos naman ay ipinasok ng suspek ang kanyang ari sa ari ng mga biktima. Matapos ang ginawang panghahalay, sinabihan daw ni Didit ang tatlong bata na huwag magsusumbong kundi ay sasaktan niya ang mga ito.
Nang malaman ni Remedios ang nangyari sa mga anak, agad niyang idinulog sa kanilang barangay hall ang pangyayaring iyon. Nagpunta rin sila sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang lugar at ipinagbigay-alam din ang nangyari sa anak.
Pagkatapos noon ay sa himpilan na ng pulisya upang sampahan ng kaukulang reklamo laban kay Didit. Positibo namang inabuso ang magkapatid batay na rin sa medico-legal examination.
Pansamantalang inilagak si Didit sa DSWD subalit ayon kay Remedios ay isang buwan lamang itong nagtagal. Halos tatlong taong dininig sa korte ang kasong ito subalit dahil sa bagong batas, ang Republic Act 9344 nabalewala ang paghihirap ni Remedios sa kasong ito. Nadismiss ang kasong isinampa laban kay Didit na bagay na ikinasasama ng loob ng pamilya ng biktima.
Matapos ang pangyayaring ito, binalikan naman si Remedios ng pamilya ng suspek. Sinampahan naman siya ng kasong Incriminating Innocent Person, Intriguing against Honor at Malicious Prosecution with Multiple Damages.
ISN’T THIS A BIZARRE TWIST TO A SAD STORY? Napakalungkot isipin na ang dalawang paslit na anak ni Remedios na ginahasa na, ngayon naman ay kailangan pa niyang ipagtanggol ang sarili dahil hindi niya nakamit ang hustisyang hinahanap dahil sa Republic Act 9344.
Sa aking pagtatapos maganda rin na ma-repeal ang batas na ito o maamyendahan para maging akma sa ating lipunan. Kung ayaw ni Mega Senator Pangilinan gawin ito, marami namang ibang matatalino at magaling na mambabatas na maaaring mag-amyenda ng flawed law na dapat itama.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am