Nag-umpisa ito nang akusahan niya si Arroyo nung kasagsagan ng IMPEACHMENT proceedings na may deposito daw sa isang bangko sa Germany. Tingnan lang daw ang ebidensiyang sinumite sa Committee on Justice at doon makikita. Ang problema, ni hindi pa man tinitingnan ng Committee on Justice ang ebidensiya ay bumoto na itong ibasura ang IMPEACHMENT complaint. Paano pa mabubuksan at matitingnan ang ebidensiya? Sabay pinatulan ng HOUSE ang buelta-reklamo ni Arroyo laban kay Cayetano at siya itong ini-refer naman sa Committee on Ethics. At ngayon nga’y gusto na nilang ipasuspinde ang kanilang kasamahan. Dahil nakakuha ng pagpapatibay sa German bank na wala daw deposito doon si Arroyo. Huwag na daw magsalita pa si Cayetano.
Sandali lang. Ebidensiya ni Arroyo, pinakinggan. Eh yung ebidensiya ni Cayetano? Kung hindi man lang titingnan ang ebidensiya ni Cayetano, paano masasabing abuso at walang basehan ang ginawa nito?
Ang Committee on Ethics ay binuo upang hindi abusuhin ng miyembro ng Kamara ang kanilang karapatan na maaring ikasama ng dignidad, integridad at reputasyon ng House. Kung ganito lang ang pamantayan, wala nang masususpendidong Congressman.
COMMITTEE ON ETHICS (dahil puros sigawan ang narinig sa TV, committee on ITIKS) GRADE: 25
Sa mga kinamulatang Senador, dalawa sa pinaka masipag at sinsero nating nakilala ay sina Mamintal Ta- mano at Santanina Rasul, ang huling mga Muslim sa Senado. Mula 1995, hindi na nagkaroon pa ng Muslim Senator bagamat laging may kandidatong Muslim ang mga malalaking Senatorial ticket. Itong 2004, si Sec. Amina Rasul sa KNP at si Parouk Hussein sa Lakas. Lumutang ngayon ang pangalang Atty. Adel Abbas Tamano bilang natata- nging Muslim na napapag-usapan bilang kandidato. Si Atty. Tamano ay hindi pipitsugin. Master of Laws sa Harvard, Ateneo Law School graduate, Law Professor at Law Book Author, at anak ng respetadong si Sen. Mamintal Tamano. Matagal nang walang Muslim ang pinakamataas na kapulu-ngan ng bansa.
Kailangan natin ang mga katulad ni Atty. Tamano at Sec. Rasul upang mabigyan ng mahusay at epektibong ti-nig sa pamahalaan ang mga kapatid nating Muslim.