Ang puna ko ay sa sistema sa gobyerno na, tsk, tsk..hindi nasusunod. Alam ng lahat na bago hira- ngin sa kagawaran ng depensa, si Ebdane ay ninombrahan at nanungkulan bilang Department of Public Works and Highways Secretary. Sa kasamaang palad, hindi siya kinumpirma ng Commission on Appointments ng Kongreso.
Sa kabila niyan, patuloy na ni-renew ng Pangulo ang appointment ni Ebdane at nakapanungkulan ito sa DPWH sa loob ng mahabang panahon din. Ngayong itinalaga si Ebdane sa kanyang bagong impluwensyal na puwesto, inuulan siya at ang Pangulo ng batikos. Noon pa mang inilutang ang posibilidad na italaga si Ebdane sa DND, katakut-takot na tuligsa na ang ipinaligo sa Pangulo.
May CA tayo para magkaroon ng check and balance sa mga appointments na ginagawa ng Pangulo. Ito ang nagsisilbing "devils advocate" para kumpirmahin ang mga karapat-dapat at tutulan ang mga hindi nararapat. Dumaraan sa masusing pagkilatis ang mga appointees at kung kailangan, ang mga "baho" nilay pinalulutang at sinisiyasat mabuti kung totoo o hindi. Pero hanggang pagtutol na lang ba ito na puwedeng bale-walain ng ehekutibo?
Obserbasyon ko lang. Kung palaging ganyan ang mangyayari, nasaan na ang diwa ng demokrasya? With all likelihood, ang isyu kay Ebdane ay matatabunan porke mag-aadjourn na ang Kongreso at ang atensyon ay matutoon sa nalalapit na eleksyon.
Pagkatapos niyan, maluluklok ang bagong Kongreso. Marahil, kung magiging dominante ang bi-lang ng mga oposisyon sa mabubuong Kongreso, magkakaroon tayo ng mas malakas na CA na ang desisyon ay hindi puwe-deng i-undermine kahit na ng Pangulo.
Hindi ito personalan, obserbasyon lang sa pangit na nangyayari sa ating gobyerno.