P1-trilyon budget gamitin nang maayos
February 1, 2007 | 12:00am
WALA tayong tutol sa dambuhalang budget kahit pa taumbayan ang kaltasan sa pamamagitan ng karagdagang buwis. Ang gusto lang ni Juan dela Cruz ay gamitin ito ng maayos para ang buwis na pinipiga sa kanya ay maibalik sa pamamagitan ng maayos na serbisyo.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, umabot na sa isang trilyong piso ang pambansang badyet. Dapat sanay matagal nang naisabatas ito pero inipit ng hidwaang pampulitika.
Ipinasa na ng Kongreso ang P1.126 trilyong pambansang badyet para sa taong piskal na ibinitin sa mahabang panahon ng political grandstanding ng mga katunggali sa politika ni Presidente Arroyo. Hindi man dapat ay nangyari na iyan at di na puwedeng burahin ang naganap. Ang importantey aprobado na at hindi na kailangang gamitin ang lumang budget na kapos para sa mga bagong programa ng pamahalaan.
Isa lang ang wish natin. Harinawang mai-deliver na nang maayos ang lahat ng serbisyong kailangan ng mamamayan. Tulad ng nasabi ko, hindi dapat tutulan ang pagpapataw ng dagdag na buwis bastat nauuwi ito sa maganda at maayos na serbisyo sa taumbayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang mga basic services ay talagang nahadlangan ng sobrang pulitika na pumaralisa sa administrasyong ibig patalsikin ng mga kumakalaban dito.
Nitong darating na halalan sa Mayo, piliin ang mga taong dapat iluklok sa puwesto. Yung mga inaakala nating makakapagpabuti sa kalakaran ng bansa. Hindi yung iboboto natin sila, tapos sa bandang huliy sisigaw tayo ng "PALITAN!" Ang dapat sigurong palitan ay ang ating ugali. Matuto na tayong magsuri ng mga kandidato na ilalagay natin sa puwesto imbes na boboto tayo on the basis of patronage o dahil nagawan tayo ng pabor ng isang pulitiko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended