Ayon kay Herrera, ang malaking bilang na ito ay isang patunay na talagang nangunguna nang supplier ng mga nurses ang Pilipinas sa Amerika. Dagdag niya pa na sumunod lamang ang India sa kanilang 4,395 examinees, ang South Korea na may 2,145, Canada na may 943 at Cuba na may 537.
Masama ba o mabuti ang balitang ito para sa atin? Ang sabi ng iba, masama raw ang brain drain ng mga nurses, kasi nauubusan na raw tayo ng mga nursing professionals para sa ating sariling pangangailangan. Ayon naman kay Herrera, suportado raw ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pag-deploy ng mga professionals sa abroad, dahil mas mabuti pa ito sa pag-deploy ng mga unskilled workers. Dagdag pa niya na ang mga unskilled workers daw ay madaling palitan ng mga employers, kaya mas madali silang maabuso.
Sang-ayon ako sa mga sinabi ng magiting na senador, pero may dagdag pa ako sa mga sinabi niya, na mas maganda talaga kung ang mga nurses natin ay mapunta sa mga bansa na kung saan maari nilang isama ang kanilang mga pamilya. Bagamat kailangan ng ating bansa ang remittance ng mga nurses kahit saan man sila mapupunta, mahalaga rin dapat na huwag mabuwag ang pagsasama ng mga pamilya dahil lamang sa pera. Bagamat tama rin ang sabi ng iba na nababawasan na tayo ng nurses, ang solution naman diyan ay ang pag-produce pa ng mas maraming nurses, dahil sila naman ang in demand sa buong mundo.