^

PSN Opinyon

Daang barangay tungong Malacañang

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
BINATI ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang Philippine STAR sa naisulat tungkol kay Atty. Agnes Devanadera, ang Government Corporate Counsel. Malaki ang naitulong nito sa pag-angat ng antas ng serbisyong legal sa mga Korporasyon ng gobyerno. Pinagmalaki niya na si Atty. Devanadera ay dating lokal na opisyal (Mayor ng Sampaloc, Quezon). Ito’y inspirasyon sa lahat ng nangangarap na maglingkod. Walang limitasyon ang asenso sa taong nagpupunyagi.

Maaring sa ibaba ka nag-umpisa subalit kung ang performance mo ay maganda, bukas sa iyo ang tugatog ng tagumpay. Mayor ng maliit na bayan naging Presidente ng buong Pilipinas: Joseph Estrada. Mayor na naging Vice President: Fernando Lopez (Iloilo City) at si ERAP. Sa mga pangulo ng Senado: si Jose Avelino ay nag-umpisang Konsehal ng Calbayog; Amang Rodriguez, Mayor ng Montalban; Manong Ernie Maceda, Konsehal ng Maynila; Ka Celing Fernan, bokal ng Cebu; si Nene Pimentel, Mayor ng Cagayan de Oro. Puros malaking pangalan. Subalit nung nag-umpisa ay pare-parehong hindi kilala na nakipagsapalaran sa halalang lokal.

Ito ang bentahe ng demokrasya —- kahit ang pinakamaliit na Juan de la Cruz ngayon, may posibilidad maging Pangulo bukas. Sa mga bagong dugo, si Sen. Kiko Pangilinan at si Sec. Mike Defensor ay nag-umpisa bilang Konsehal sa Quezon City. Ilang pulitiko rin namang sa baba ay hindi na dumaan dahil sa kasikatan o sa pangalan ng magulang, tulad ni Gloria MACAPAGAL-Arroyo. Ang mga kandidato namang dumaan sa ranggo ay lamang sa karanasan sa pamamahala. Ito’y halos garantiya na ng magandang paglingkod.

Sa kaso ni Cong. Allan Peter Cayetano, bagamat laging napapabilang sa usaping political dynasty dahil anak ni Compañero at kapatid ni Senador Pia, hindi kailanman maaring tawa-ran ang kanyang karapatang tumakbo dahil siya’y naging konsehal ng Taguig-Pateros, naging Vice Mayor, tatlong term na congressman bago ngayong kakandidatong senador. Isa sa pinakabatang tatakbo, mahigit kalahati na ng buhay ni Allan Peter Cayetano ay inialay sa paglingkod sa tao. All the way Cong! Ituloy ang pagsulong ng makabayang adhikain.

Cayetano, Devanadera & Co.

Grade: 91

AGNES DEVANADERA

ALLAN PETER CAYETANO

AMANG RODRIGUEZ

CELING FERNAN

DEVANADERA

ERNIE MACEDA

FERNANDO LOPEZ

GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

KONSEHAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with