Si WM elect Alfredo T. Buan ang uupo sa East, samantala ang kanyang mga officials sa Bernardo Carpio ay sina SW Rolando M. Gubatan, JW Rosalio H. Remo, Treasurer Manolo A. Rodriguez, PM, Secretary Artemio, C. Cacal, PM, Auditor Eulalio D. Lorenzo, PM, Chaplain Reiven T. Vinarao, Marshall Marvin B. Oakes, SD Carlos L. Obsequio, JD Jodeal B. Cadacio, Orator Romeo L. Manalaysay, Almoner Alexis P. Fabian, Lecturer Michael L Benjamin, PDGL, Lecturer Alexander O. Vispo, SS Christopher George SC. Borja, JS Pedro R. Pagunuran Jr., Tyler Lemuel L. Tabano.
Brotherly Love, Relief and Thruth mga Bro.
Ang isyu, walang atrasan.
Ika nga, sugod mga kapatid.
Hinahanting ng mga military men ang mga rebeldeng grupo ng Abu Sayyaf at maging NPA dahil gusto nila itong puksain porke ayon sa kanila salot daw ang mga ito sa lipunan.
Kaya naman barilan dito, barilan doon, patayan dito, patayan doon.
Sabi nga, matira ang matibay!
Hindi biro ang offensive na ginagawa ngayon ng military sa ilang lugar sa Mindanao monitoring, intel networking et cetera para mahulog sa kanilang lambat ang mga rebeldeng kalaban ng government.
Masakit man isipin Pinoy sa Pinoy ang bakbakan pero alaws tayong magagawa. Kaya pangit man tingnan ang nangyayari sa ilang lugar sa Philippines my Philippines talagang ganito ang trend.
Patayin ang mga kalaban.
Matigil kaya ang patayan sa atin? tanong ng kuwagong mananaliksik.
Siguro kung susuko sila, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kung hindi sumuko ano ang mangyayari? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Tiyak kamote walang tigil ang patayan.
Iyon lang!