^

PSN Opinyon

Hustisya

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL Ni Querobin Quejado -
HUSTISYA. Kaygandang sabihin ang salitang ito. Hustisya o hustisyang poetika? Hustisyang talaga o hustisyang Diyos-ko-bahala-ka-na? Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Batid naman ng lahat, tatlo lamang ngayon ang nagkakaroon ng hustisya sa bansang ito. Iyung malalakas, makapangyarihan at iyung mayayaman! Kung simple kang tao, mahina ka. Kung wala kang lakas, lolokohin ka, tatakutin ka pa. Kung mahirap ka, pasensiya ka, magtiis ka. Pero kailan ko makakamtan ang hustisyang ito? Kapag nagkaubus-ubos na ang kabuhayan ng aking pamilya? Hanggang kailan ako mananahimik? Kailan?

 Labingwalong taon akong pinalaki ng aking ina. Ipinakatagu-tago at pakaingat-ingatan at pagkatapos... pagkatapos, naglalakad lamang ako sa madilim na eskinita pauwi galing sa paaralan ay bigla na lamang may humarang sa aking mga lalaki. Hindi ako nakasigaw dahil tinakpan ang aking bibig. Para akong sisiw na dinagit ng mga gutom na lawin. Dinala ako sa isang bakanteng lote. Pinunit ang aking puti at asul na uniporme. Nang malantad ang aking makinis at sariwang katawan ay lalong naging ulol ang dalawang lalaki. Hinatak pababa ng isa ang aking panty at pinatungan ako. Nang matapos ay ang isa naman. Iniwan ako ng mga walanghiya.

Nakauwi ako ng bahay na hindi makagulapay. Sinabi ko sa aking mga magulang ang lahat. Nagpunta kami sa himpilan ng pulisya. Agad nagsagawa ng imbestigasyon. Ilang araw pa at nahuli ang dalawang gumahasa sa akin. Mga anak pala ng mayayaman sa aming lugar ang dalawa. Ang isa ay anak ng congressman at ang isa ay anak ng isang taga-Malacañang. Parehong drug addict.

Natutuwa na ako sapagkat nahuli na ang dalawa. Mayroon naman palang hustisya sa bansang ito. Nakakalma na ang loob ko. Sino ang maysabing walang hustisya sa bansang ito?

Subalit makaraan lamang ang ilang araw nalaman namin na nakalaya na ang dalawa. Hanggang sa tuluyan nang mawala. Nasa ibang bansa na!

Tama nga na walang hustisya rito. Ang hustisya ay para lamang sa mayayaman at hindi sa katulad kong mahirap.

Hanggang ngayon patuloy pa rin akong sumisigaw ng hustisya at siguro nga hindi ko na ito makakamtan pa... 
* * *
Si Querobin ay estudyante sa Adamson University. Mahilig daw siyang sumulat ng sanaysay, maikling kuwento at dula.

ADAMSON UNIVERSITY

AKING

AKO

ANO

BATID

DINALA

HANGGANG

HUSTISYA

NANG

SI QUEROBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with