Salamat sa sulat mo Verna. Ang candidiasis ay fungal infection na ang may kagagawan ay ang organism na Candida albicans. Makikita sa bibig at sa vagina ang candidiasis. Nagkakaroon ng skin infections sa mga areas na ito. Ang ilalim ng mga suso ay maaari ring magkaroon ng skin infection dahil sa friction. Ang mga sanggol ay maaaring magkaroon ng candidiasis sa bibig.
May mga uri ng Candidiasis na infections ay lumilitaw kapag ang katawan ay nakikipaglaban sa ibang sakit o infection na kagaya ng flu. Ang mga nagti-take ng antibiotics, hormones, o steroiud drugs kagaya ng gamot sa asthma, at ang mga taong stress ang madaling kapitan ng candidiasis.
Ang Candida ablicans ay isa sa mga microorganisms na naninirahan sa bibig at maging sa balat. Ang mga microorganism na ito ang nagiging dahilan ng problema kapag nagmultiply na.
Kapag ang protective bacteria ay napinsala o ang immune system ay mahina dahil sa paggamit ng broad spectrum antibiotic, ang candida cells ay maaaring magparami at gumawa ng infections.
Ang mga sanggol ay ipinanganak na walang proteksiyon at natanggap ang una nilang friendly bacteria mula sa kanilang ina nang magdaan sa birth canal. Ang pagsuso ng baby sa kanyang ina ay mahalaga sapagkat nakaiiwas sila sa infections.
Sana ay nasagot ko ang katanungan mo Verna.