EDITORYAL - Ubusin na!
January 19, 2007 | 12:00am
SABI ng Armed Forces of the Philippines, malaki nang kawalan sa grupong Abu Sayyaf ang pagkakapatay kay Abu Solaiman. Si Solaiman diumano ang nagpaplano ng lahat ng mga aktibidad ng Sayyaf mula sa pangingidnap, pambobomba, pagpatay, pang-eextort at iba pang masamang gawain. Para raw nabalian ng buto ang teroristang grupo sa pagkawala ni Solaiman. Napatay si Solaiman noong Martes ng umaga ng mga elite forces ng army sa Talipao, Sulu. Matindi ang labanan na umabot ng tatlong oras. Sinalakay ng mga sundalo ang kuta ng mga terorista at doon nagwakas ang pamamayagpag ni Solaiman, na umanoy isang engineer at nagtrabaho sa Saudi Arabia. Bumalik sa Pilipinas noong 90s at sumapi sa Abu Sayyaf. Nang interbyuhin si Solaiman noon kung bakit gusto niyang maminsala, iyon daw ay ganti sa pang-aapi sa mga Muslim sa buong mundo.
Pilay na raw ang Abu Sayyaf sa pagkakapatay kay Solaiman. Para sa amin, hindi pa pilay sapagkat marami pa silang lider na handang ipagpatuloy ang masamang gawain. Hindi pa rin naman kumpirmado kung patay na nga ang lider na si Khadaffy Janjalani. Isang bangkay ang hinukay sa Patikul dalawang linggo na ang nakararaan at iyon daw ay kay Janjalani. Isinasailalim pa sa DNA testing ang sample sa nahukay na bangkay.
Sinabi na rin noon ng military na nabawasan na ang lakas ng Abu Sayyaf nang mapatay ang spokesman na si Abu Sabaya noong 2005. Pero sa halip na humina, lalo pang lumakas ang grupo at sunud-sunod pang pambobomba at pangingidnap ang isinagawa ng grupo. Hindi rin napigil ang mga terorista kahit na ilan pang leader ang naaresto at napatay. Lalo pang naging mabangis at wala nang kinatatakutan. Kaya sa pagkapatay kay Solaiman, hindi pa rin tiyak kung hihina na nga ang grupo.
Si Solaiman ang nagplano kung paano pasasabugin ang SuperFerry 14 habang naglalayag sa Corregidor Island noong March 27, 2004 na ikinamatay ng mahigit 100 katao. Siya rin ang nagplano sa Valentines Day bombing noong 2005 sa Makati City. Marami pang kasalanan sa sangkatauhan si Solaiman.
Magkakaroon lamang ng lubos na katahimikan kung mauubos lahat ang miyembro ng Sayyaf.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am