ASEAN sabit sa Cebu
January 18, 2007 | 12:00am
OKAY na sana ang katatapos na ASEAN Summit sa Cebu City. Walang naganap na terorismo gaya ng pinangangambahan. Matiwasay ding nairaos ang pagpupulong ng mga world leaders na bumuo ng patakaran at kasunduan para sa maayos na international relations.
Isa lang ang naging problema. Ito ay ang pagkakalason ng mga entertainers na kinabibilangan ng mga kilalang personalidad dahil sa sirang pagkain na inihain ng isang food catering service. Isandaan at tatlong performers ang na-ospital sa pagkasira ng tiyan.
Mabuti na lang at hindi ang mga delegado sa summit ang nakakain. Otherwise, ang summit ay matatawag na "sabit." Pero hindi man mga world leaders ang nabiktima, bukol pa rin ito sa administrasyon. Komo isang international event ang okasyon, natural na mapo-focus ang mata ng mundo sa pangyayari na maituturing namang isolated case.
Somehow, maaapektuhan ang tourism industry. May mga turista na matatakot magtungo sa Pinas sa pangambang makakaranas sila ng food poisoning. Sabagay, posibleng mangyari ang insidente kahit saang bansa. Pero madalas, ang tao ay mapanghusga at puwedeng sentensyahan ang Pilipinas na may "maruming pagkain" na dapat iwasan.
Maging si Mayor Tomas Osmeña ay naniniwala na ang inihaing lechon at seafood ng Majestic Catering Services ang dahilan ng food poisoning. Nabatid kasi na maaga pay isinilid na sa styrofor boxes ang pagkain kaya itoy napanis. Suma-total ang mga biktima ay nagsampa ng kaso laban sa naturang caterer.
Ayon kay Osmeña, bagamat may business permit, walang sanitary permit ang naturang catering services. Dapat na marahil maghigpit ang pamahalaan sa mga nasa food business. Kailangang siguruhin na bawat isay properly inspected ng mga sanidad at may kaukulang sanitation permits bago payagang magpatuloy sa negosyo. Dapat alalahanin na ang ganyang mga kasoy sumusulpot nang hindi inaasahan. Hindi na ito dapat maulit pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended