Sino may sala, sino wala?
January 14, 2007 | 12:00am
NAKAKATAWA ang sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez na mas mabuti pang ilipat na lang si US Marine Corporal Daniel Smith sa halip na ipardon ito. At sino naman ang nagsabi sa kanyang pwede nang i-pardon si Smith, samantalang hindi pa naman talaga nagsimula ang kanyang sentence? Kakaiba yata ang nasa isip ni Gonzalez, hindi pa nga naparusahan si Smith, napatawad na kaagad!
Mas lalo namang nakakatawa ang sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na walang sala si dating Justice Secretary Hernani Perez, dahil sa kakampi raw siya ng administration. Ganoon na lang ba talaga? Na ang isang tao ay tatanawing may sala o wala depende na lamang kung sino ang kanyang kakampi?
Sinadya man o hindi, parang lumalabas ngayon na ang Palasyo ay ipinagtatanggol na lagi ang mga taong gumagawa ng masama, dahil nga sa kakampi nila ang mga taong ito. Hindi bat ang batas ay wala dapat kinikilingan at wala nga dapat palakasan? Kung ganito nga ang dapat gawin, bakit nga ba ipinagtanggol ng Palasyo sina Virgilio Garcilliano at Hernani Perez?
Sayang talaga si Gonzalez. Trabaho niya dapat na ipaglaban ang hustisya sa ating bansa, ngunit parang baligtad ang nangyayari dahil parang inuunahan niya ang kanyang mga piskal sa kanyang pabigla-biglang pananalita. Ganyan din si Ermita, bakit siya nagsalita ng tapos, samantalang under sa kanyang Executive Branch ang Ombudsman na dapat humabol kay Perez.
Kapansin-pansin na hindi tama ang ginagawa ng Palasyo ngayon, na kung saan hinahayaan nilang umupo bilang kalihim ang isang nominee kahit hindi pa siya na-confirm ng Commision on Appointments. Ano pa ang silbi ng confirmation process kung maari naman palang manungkulan ng matagal ang isang nominee kahit hindi pa siya confirmed? Dahil sa kamaliang ito, naging biktima tayo ng isang taong bara-bara ang pagkilos at padalus-dalos ang pagsasalita, dahil hanggang sa ngayon, hindi pa siya confirmed.
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected] at mag-text sa 09187903513.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended