Salamat Brando sa iyong sulat. Tungkol sa idina-daing mong pananakit ng likod, maraming kadahilanan ito. Maaaring may pinsala ang spinal discs, pressure sa mga nerves, misalignment o pamamaga ng mga kasu-kasuan. Maaari ring ang masamang postura sa pag-upo o paghiga, pagbubuhat ng mga mabibigat. Kung mayroon kang sports, maaaring dahilan din ang pananakit ng likod.
Ang tinatawag na chiropractor o osteopath ang makalulunas sa anumang pananakit ng likod pero alam nyo bang ang long term healthy diet ang lubusang kasagutan para maiwasan ang pananakit ng likod.
Kailangan nyong siguraduhin na ang inyong diet ay kinapalolooban ng lahat nang nutrients na mahalaga para maging malusog ang mga buto. Kapag malusog ang mga buto, mababawasan ang pananakit ng likod. Ang atay, sardinas, mackerel at salmon ay mahusay na pinagkukunan ng niacin at vitamin D para maging malusog at tumibay ang mga buto.
Ang protein ay nakatutulong para magkaroon ng malakas ng muscles tissue na kailangan ng likod. Ang B Vitamins lalo na ang niacin ay nagpapatibay naman sa tissues.
Kaya ang payo ko sa mga nananakit ang likod, subukan ang mga pagkaing sinabi ko. Pangmatagalan na ang nagagawa nito para mapangalagaan at mapatibay ang ating mga buto.