Hindi akalain ni Daza na tutuluyan siya ng Hong Kong police sa ginawa niyang biro kay David Dysuangco, flight attendant na may bomba ang kanyang handcarried baggage.
Pauwi sina Daza at pinsan na si Sarah Jane Daza sa Manila last January 10 ng morning from Hong Kong. Mabigat ang handcarried baggage ni Daza kaya tinulungan siya ni David para ilagay ito sa overhead luggage compartment ng eroplano.
Sabi ni David kay Daza ang bigat naman ng bagahe mo ano ba ang laman niyan?
Sinagot ni Daza, na may bomba iyan.
Naku ha, patay kang bata ka!
Natawa lamang si David kay Daza. Ang hindi alam ni Daza ay nagsumbong si David sa station manager kaya naman animoy kidlat na pumasok sa eroplano ang Hong Kong police at pinababa silang magpinsan. Sabi nga, kalkal dito, kalkal doon ang ginawa sa kanilang mga baggages.
To make sure na alaws bombang naka-hide sa kanyang luggage.
Si Sarah ay pinayagang makasakay sa eroplano pabalik ng Manila after makiusap si Daza na alaws alam ang kanyang sampit sa bomb joke na ginawa niya.
Buti na lamang at may auntie si Daza sa Hong Kong kaya ito na lamang ang nag-abono sa penalty.
Bawal talaga ang mag-joke, joke sa airport lalot tungkol sa pampasabog ang gagawin mong biro, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Hightened security ang buong airport sa mga terrorist matindi ang kampanya nila regarding dito kaya naman allergic sila pag nakarinig ng may pampasabog kang dala, anang kuwagong Kotong cop.
Mas mabigat ang penalty sa NAIA dahil six month kang ikukulong todits.
Ano ngayon kamote magbibiro ka pa?
Naku ha dehins na alaws akong pitsa.