^

PSN Opinyon

Tunay na sinseridad ang kailangan

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
NGAYONG papasok na ang election, hindi ako nagtataka kung bakit biglang perceptive‚ ang Malacañang sa usapin ng pagbibigay ng temporary liberty kay President Erap.

Sa totoo, lang sa tuwing ganitong mga panahon, napupuna ko na kahit mga kalaban niya sa pulitika at mga taong tumalikod sa kanya ay tila nagiging mga Kristiyano‚ at biglang pumapasok sa kanilang isipan ang kanyang gipit na kalagayan kasabay ng panawagan sa genuine reconciliation.

Ang lahat ng ito, sabihin pa, ay patunay na malakas pa rin ang kanyang karisma at simpatiya sa kanya ng mga kababayan na ang malaking bilang ay ang masang Pilipino na siya ring liligawan ng mga kandidato sa darating na halalan. Sabihin pa, inaasahan ng mga taong ito na ang pagpapakita nila ng kabutihang loob kay Erap ay magiging dahilan upang mapalapit naman sila sa puso ng masa.

Sa ganang akin at bilang maybahay ni Erap, natatawa na lamang ako; ang anumang hapdi at sama ng loob na ibinunga ng mga nakaraang pangyayari ay matagal ko na at ng aking pamilya na itinaas sa Panginoong Diyos na huhusga sa ating lahat.

Ang masasabi ko lang, bakit tila lumalabas na palamuti na lamang sa pulitika ang salita at konsepto ng genuine reconciliation?

Sa totoo lang, ang paghahangad ng tunay na pagkakaisa nating lahat ay dapat magsimula sa mga nakaluklok ngayon sa kapangyarihan at hindi sa mga naging biktima nila. Simple lang naman ang kailangan: sinseridad, tunay na sinseridad.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

DOKTORA NG MASA

ERAP

KRISTIYANO

MAARI

PANGINOONG DIYOS

PASAY CITY

PRESIDENT ERAP

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with