Fast Forward sa 2007. Naghain ng petisyon si Solicitor General Nachura sa Court of Appeals na kinuwestiyon ang patuloy na pagkapiit ni Daniel Smith sa Makati City Jail. Kalakip ang kopya ng Romulo-Kenney Agreement na ilipat si Smith sa US Embassy. Nang matanggap ito ng Korte, sumagot ng NOTED. "Aha", sigaw ni Raul Gonzales, "NOTED!" NOTED ibig sabihin GRANTED! Kabisote! Kaya hayun, nilabas si Smith - kalaliman ng gabi ang kabukod tanging convicted prisoner sa Pilipinas na naka-aircon at wala sa bilibid Pinoy.
Kinatigan kahapon ng Court of Appeals ang posisyon ni Judge Pozon. Ang "judicial proceedings" daw sa ilalim ng VFA ay natatapos sa conviction ng akusado sa Regional Trial Court. Kayat wala nang batayan upang i-surender si Smith sa kustodiya ng US Authorities ngayong convicted na siya. Mali bale ang Pangulo sa pinasok na Romulo-Kenney Agreement. Subalit naghugas kamay ang Korte sa nangyari nang paglipat kay Smith sa Embassy. Wala raw silang magagawa dahil sa ilalim ng Konstitusyon, ang Executive ang may kapangyarihan sa usaping pang-diplomasya. Kabisote! Eh hindi ba ang Konstitusyon din ang nagsasaad na hiwalay ang kapangyarihan ng gobyerno sa executive, legislative at judiciary upang maiwasan ang abuso? Kapag nasa kamay na ng isa, kailangang hintayin at respetuhin ang pasya nito.
Sa Korte Suprema magkikita-kita para sa huling kabanata nina Danny at Nicole. Kahit 1st year law student alam na hindi maaring mangibabaw ang international agreement sa Konstitusyon ng bansa. Magandang bienvenida ito sa panunungkulan ni Chief Justice Reynato Puno.
SEC. RAUL GONZALES GRADE: 44
COURT OF APPEALS GRADE: 80